Chapter 2

17.8K 480 79
                                    

Chapter 2

Wrong

Sumama ako kay Doctor Hemendez sa Maynila pagkatapos ng high school graduation. Umalma man si Tiya ay wala na rin siyang nagawa pa nang nilatagan siya ng doktor ng mga batas na nilabag  niya dahil sa pagtulak sa akin upang manghula. Sa tingin ko rin, hinayaan na kami ni Tiya dahil na rin sa malaking halaga ng pera na ibinigay ng doktor sa kanya.

Naging mabilis ang pangyayari. Pinatira niya ako sa isang apartment na malapit lang din sa unibersidad kung saan ako mag-aaral. Hinayaan niya akong pumili ng kursong gusto kong kunin. Walang pagdadalawang-isip kong kinuha ang Nursing.

"You have a very high Intelligence Quotient," saad niya sa akin isang gabi habang kumakain kami ng dinner na minsan lang nangyayari. "Kaya na rin siguro magaling kang magbasa ng emosyon at kilos ng tao. You've got a good sight for empathic accuracy. Nagtataka nga ako at hindi mo pinili ang kursong Psychology, Abby."

Bahagya akong natuwa dahil sa pagtawag niya sa akin ng Abby. Ito iyong isinagot ko sa kanya noong tanungin niya ako sa pangalan ko. Abby ang isinagot ko at hindi Clau o Claudine na siyang tawag ng mga taong nakakakilala sa akin sa probinsiya. Kaakibat ng kagustuhan ko na magbagong buhay na sa Maynila ay ang kagustuhan ko rin na maging iba ang pagtawag ng mga tao rito sa akin. Dahil sa ganitong paraan, pakiramdam ko nagbabago na nga ang buhay ko.

"Mas gusto ko po ang Nursing," sagot ko sa naging tanong niya kanina.

He gently smiled at me. Nai-imagine ko na ganito siguro siya sa kanyang mga pasyente. "Gusto mo bang maging doktor?"

"Hindi po 'yan sumagi sa isip ko. Mas gusto ko pong maging nurse at sa tingin ko po ay mas mahirap ang mag-aral ng pagdodoktor."

He chuckled. Iniabot niya ang kanyang wineglass at sumimsim mula rito. I could see happiness in his eyes as he was looking at me. There were a few lines on his forehead like he's always on a deep thought. Malalim din ang kanyang mga mata na kulay brown. Ang pagkatangos ng kanyang ilong ay nagsasabing hindi siya purong pinoy. Purong itim pa ang kanyang mga buhok at nahihinuha ko rin na siguro noong kabataan niya ay may hitsura siya. Hanggang ngayon pa rin naman.

"Not yet. You are very intelligent. Kayang-kaya mong maging doktor kung gugustuhin."

"M-Mahal din naman po iyon. Wala naman akong pera," sa maliit na boses ko sinabi ang huli.

"You don't have to worry about it. Ako na ang bahala."

I wanted to ask him why he was being kind. Kaya lang, naalala ko naman ang nag-iisa niyang kondisyon sa pagtulong sa akin. Without any questions. Siguro nga ay naaawa lang siya sa kalagayan ko.

"My... son is a doctor as well," kuwento pa niya. Natigilan ako. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na  binanggit niya ang personal na bahagi ng kanyang buhay. "But he is planning to leave for Canada."

"How about your...wife po? Doktor din po ba siya?"

Nag-iba ang ekspresyon sa kanyang mukha. May respeto rito. "Yes. Pero mas nakatutok siya sa management ng ipinatayo niyang nursing home."

"Ah." Pinagtuonan ko na ng pansin ang pagkain. Hindi na rin siya muling nagsalita pa.

Naglakbay ang isipan ko sa sinabi niya sa akin noong nagpahula siya. Ang tungkol sa babaeng mahal niya. Hindi ba iyon ang kanyang asawa? At kung iyon man, bakit tinulungan niya pa rin ako maski alam niya naman na mali ang naging hula ko. Buhay pa ang kanyang asawa. Pero umiyak siya...

The Second FallWhere stories live. Discover now