Chapter 18

12.5K 371 34
                                    

Chapter 18

Surgeon

Nakabibinging katahimikan ang sumunod noon. Sa sobrang tahimik ay narinig ko ang bawat malakas na pintig ng puso ko.

"Hindi.... totoo 'yan," si Theo sa mahinang boses.

"Ako mismo ang nakarinig ng confession na ginawa niya sa daddy mo," marahang paliwanag ni Madame Aurelia. "Believe me, son... I was also there. It made my blood boil."

Naikuyom ko ang mga kamay na nasa gilid. Para akong dinadaganan ng malaking bato habang pinakikingnan ang pag-uusap nila.

"I... I want to talk to her," si Theo na tila ba wala na sa sarili. "She will eventually tell me the truth."

"Why not ask your father instead?"

"Aurelia..." Dinig kong awtomatikong saway ni Doc Arthur.

"What? Tell your son!" bumalik ang pagiging matalim sa boses ng ina ni Theo. "Tell him before it's too late!"

There was a long pause. Nanginig ang labi ko habang nakakaramdam ng takot pero hindi ko pa rin napigilan ang sarili na pakinggan sila.

"Yes. Abigail confessed her feelings for me and your mother heard it but I-"

Isang malakas na pagtama ng isang bagay sa pader ang sunod na narinig ko.

"Theo!" sigaw iyon ni Madame Aurelia.

Sa lubos na pag-aalala ko ay hindi ko na namalayan pa na umalis na ako sa pinagtataguan at tumambad sa harap nila.

Umawang ang labi ko nang makita ang kamao ni Theo na nakadikit sa pader. Mula kay Theo ay parehong nabaling ang atensiyon ng mga magulang niya sa akin. Hindi man gaanong maliwanag, nakita ko pa rin ang dilim ng tingin ni Madame Aurelia sa akin.

Wala akong pake. Ang tanging ipinag-alala ko lang ay si Theo. Bumalik ang tingin ko sa kanya. Nakita ko ang unti-unti niyang pagbaling ng tingin sa akin.

"Leave us," malamig na utos niya, sa akin malamig na nakatitig.

"But, son-"

"I said, leave us!" matalim na pagputol niya sa sariling ina.

Hindi ko alam ang reaksiyon ni Madame Aurelia dahil nasa kay Theo lang ang buong atensiyon ko. Ilang sandali pa ay pagod na napabuntonghininga ang mga magulang niya. Hindi nagtagal, umalis din silang dalawa kaya naman ay naiwan kami ni Theo.

Nanghihina man ang tuhod ay naglakas loob pa rin ako na humakbang palapit sa kinatatayuan niya. Sa malapitan ay mas lalo lang akong nag-alala. Nakita ko ang sugat sa kamay niya nang ibaba niya ito at ang likido ng hindi maipagkakailang dugo na pumapatak sa lupa.

Mariin niya akong tinitigan. Nakita ko ang maraming katanungan sa mga mata niya. Mas nanaig pa rin dito ang paghihintay.

"I want to hear the truth from you," panimula niya. "Please be honest with me, Claudine."

Nagtiim bagang ako dahil sa matinding emosyon. Dahan-dahan akong tumango.

"My mother told me that you..." sa hirap ay hindi niya na rin madugtungan ang sasabihin.

The Second FallWhere stories live. Discover now