Chapter 22

17.4K 385 35
                                    

Chapter 22

Kid

Dapat in-expect ko nang magiging ganoon nga ang trato niya sa akin. Siguro masyado lang akong umaasa na sa paglipas ng maraming taon naghilom na ang sugat niya. Na kumpara sa akin, nakalimutan na niya ang lahat at nakausad na sa buhay. And yet, he is still angry. Para bang hindi naibsan ng nagdaang panahon ang galit niya. He is still angry about the past. He is still furious at me.

Sa dami ng iniisip ko ay muntik ko nang malagpasan ang information desk. Napatingin tuloy sa akin ang dumaan na hospital staff. Ngumiti ako sa kanya na parang walang nangyari para hindi masyadong halata ang katangahang ginawa. Bumuwelo agad ako at nagpatuloy na sa paglalakad sa tamang deriksiyon.

Nadatnan ko ang kumpolan ng nurses sa pinakamalapit na station. Sa pagiging abala nila sa pag-uusap ay hindi na nila napansin pa ang pagdating ko.

"Grabe. Ang bilis ng kamay ni Doc Theo sa surgery! Para akong nanood ng Korean medical drama, eh. Tapos no'ng pagpasok pa ni Doc Abby! Naku, ang intense grabe!" Natigilan ang isang nurse sa pagkukuwento nang palihim siyang siniko ni Nurse Relani.

Umayos kaagad ang nurses sa station nila dahil nakatayo na ako sa harap ng information desk. Ang iba sa kanila ay kinakabahan pang napasulyap sa akin.

"Patingin nga ako ng MRI result ng patient sa room 406," sabi ko sa mababang boses.

"Ako na," saad ni Nurse Relani sa nurse na malapit sa computer. "Antabayanan mo na lang 'yong telepono."

Mabilis na ni pull-out ni Nurse Relani ang chart ng pasyente. Iniharap niya ang monitor sa akin para makita ko ang nakadisplay dito. Mabilisan kong pinasada ang tingin dito at nakitang normal naman ang lahat.

"Okay ka lang ba?" tahimik na tanong ni Nurse Relani sa akin matapos kong iniharap pabalik sa kanya ang monitor.

Alam niyang may nakaraan kami ni Theo at isa siya sa mga katrabaho ko dati na nanatili pa rin sa ospital na kasalukuyan kong pinagtatrabahuhan.

"Masakit lang sa pwet ang ma-kick out ng OR." hinaluan ko ng biro ang sinabi para hindi masyadong kawawa. "Lalo pa at... marami ang nakakita."

"Pasensiya na at wala akong nagawa. Lahat kami na naro'n 'di rin kasi alam ang gagawin. Nakakatakot si Doc Theo..." Ibinulong niya ang huling sinabi.

Napangiwi lang ako at sinubukan pa ring ngumiti. "Kailangan kong maging propesyonal. I'm sure Doctor Hemendez can do that as well kaya siguro naman magiging okay din ang lahat kalaunan.."

"Doctor Hemendez?" Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Kapag ba propesyonal apelyido na ang gagamitin sa pagtawag?"

Umirap lang ako sa pamimilosopo niya. Sinulyapan ko ang suot na relo. "Uuwi na ako. Tapos na ang shift ko."

"Hindi ka Mag-o-OT o tatambay sa ER ngayon? Himala yata, Doc Abby!" eksahiradang komento niya.

Tumalikod lang ako at kinawayan siya bilang pagpapaalam.

"Hindi ka rin magpapa-on call?!" pahabol pa niya na inilingan ko lang maski hindi lumilingon pabalik sa kanya.

I was done for the day. Masyadong mahaba at emotionally draining ang araw na iyon para sa akin. Kailangan kong magrecharge at mag-ipon ulit ng katatagan at lakas ng loob lalong-lalo na dahil sa pagbabalik ng taong naging parte ng mapait na nakaraan ko. Ang taong nililihiman ko ng napakaraming bagay. Ang lalaking galit na galit pa rin pala sa akin.

The Second FallWhere stories live. Discover now