Chapter 29

20K 508 89
                                    

Chapter 29

Alon

"Ang kanyang mga mata ay nangungusap. Bawat galaw mo ay sinusundan nito. Alipin siya ng —"

"Have you checked his vitals?" malamig na pagputol ko kay Nurse Risa kaya nahinto siya sa kanina pang madrama niyang pagtutula.

"Oo, Doc. Stable naman." Sinulyapan niya ulit ang gawi ni Theo at nagpatuloy, "Alipin siya ng iyong atensiyon. Kahit isang sulyap man lang ay iyong pagbigyan—"

"What about his IV drip?" mariing tanong ko.

"Adjusted na, Doc," parang wala sa sariling sagot niya. Humaba na ang kanyang leeg kakatingin kay Theo at sa pasyente nito na nasa katapat lang na kama ng ward.

Muli akong napatingin sa natutulog pang pasyente. "That's all for today. Let's go," untag ko at mabilis na naglakad palabas ng ward.

Sumunod naman kaagad sa akin si Nurse Risa. "Kailan mo ba siya kakausapin? Tatlong araw na siyang ganyan..."

Alam kong si Theo ang tinutukoy ni Nurse Risa.

"Kapag naging paborito na ni Doc Eric ang ER," sabi ko.

"Hala! Napakaimposible naman!"

"E 'di imposible rin na kausapin ko siya." Tuloy-tuloy at mabilis ang ginawa kong paglalakad papunta sa Information desk.

Para na rin sa peace of mind ko, iniiwasan ko si Theo matapos noong nangyari sa condo unit niya. Para sa akin, nasabi ko na naman din sa kanya ang lahat maliban na lang ang tungkol sa anak namin. Alam kong may karapatan siyang malaman ito pero ewan ko ba, hindi pa yata ako handang paratangan na naman niya.

"Nasa management office ba today si Doc Georgina?" tanong ko kay Nurse Relani nang mahinto na sa harap ng Information desk. Pangatlong araw ko na rin itong pagtatanong sa kanya dahil hindi ko pa rin matiyempuhan si Doc Georgina sa kanyang opisina.

"Wait... Check ko," aniya sabay kuha ng telepono.

Naghintay ako habang dina-dial niya ang number ng management head ng ospital. Ilang sandali pa ay may sumagot na sa kabilang linya.

"Nasa office raw si Doc Georgina sabi no'ng sekretarya niya," si Nurse Relani matapos makipag-usap sa telepono. "Available daw siya ngayon."

"Sige. Salamat. Aakyat na muna ako sa office niya."

"Hindi ka na ba talaga mapipigilan pa? Magka-cancel ka talaga?"problemadong tanong ni Nurse Relani.

"Sasama rin si Theo..." sambit ko.

"Grabe na talaga 'yang pag-iwas mo!" Luminga-linga siya sa paligid. Nang makitang walang ibang staffs na malapit ay nagpatuloy siya sa mahinang boses, "Ito naman kasing si Doc Theo,  sa dinami-dami ng pupwedeng gawing kabit, ikaw pa talaga ang napili. Halatang 'di pa nakaka-move on..."

Nasamid ako sa sariling laway. "K-Kabit?"

Nagkasalubong ang kanyang kilay. "Hindi ba? 'Yan kasi ang usap-usapan dito..."

"Usap-usapan na ano?"

"Na kaya ka raw tatlong araw ng kinukulit ni Doc Theo ay dahil alam mo na..." Umalon-alon ang dalawang kilay niya.

The Second FallWhere stories live. Discover now