Chapter 35

22K 492 125
                                    


Chapter 35

Chance

Nanuyo ang lalamunan ko. Seeing him gazing at me with shameful eyes makes me speechless. May kakaiba rin akong naramdaman sa loob ng tiyan na parang nagliliparan.

Bumukas ulit ang pinto ng inner office ni Doc Marco kaya naputol ang titigan namin ni Theo.

"Oh! You two are still here? Sorry. I forgot to dismiss you."

Mas nauna akong tumayo kay Theo.

"If you have any questions, Doc Abigail and I'm not around," si Doc Marco sabay sulyap kay Theo, "just ask Doc Theo for help, okay?"

"Sure, Doc," sagot ko.

Pareho kami ni Theo na nagpaalam na kay Doc Marco. Si Theo na rin ang nagbukas ng pinto at pinauna niya akong lumabas. Sumunod naman siya sa akin.

"Uuwi ka na?" tanong bigla ni Theo sa likod ko.

"Yeah." Mabagal ang ginawa naming paglalakad. Tahimik na rin ang hallway. "Ikaw?"

"Uuwi na rin."

Tumango-tango ako. Dahil sa bagal ng paglalakad ko ay nakasabay na siya sa gilid ko.

"Sabay na tayong bumaba?" sabi ko at tiningnan siya.

Bumalandra ang gulat sa mata niya na parang hindi niya inasahan ang suhestiyon ko. Napawi ang gulat at napalitan ito ng panibagong sigla.

"I would love that," aniya, tunog kontento.

Tahimik na ulit naming tinatahak ang daan papunta sa elevator. Maikli lang ang ginawa naming paghihintay sa labas nito dahil bumukas din naman kaagad ang pinto ng elevator. Pumasok kami sa loob at magkatabing nakatayo sa may dingding.

"They say that you're one of the investors in the hospital. Is that true?" tanong ko para mabawasan ang dead air sa pagitan naming dalawa.

He nodded nonchalantly. "Bago lang."

"Did you have something to do with my quick leave approval?"

Umawang ang labi niya at napalunok siya. "I may have... ordered something like that."

I raised an eyebrow at him. "Making use of your authority?"

"If it's for the sake of the people I love, then yes. I should make use of my money." Wala akong naaaninag na hiya sa mukha niya.

I sighed. Bumukas ang pinto ng elevator hudyat na nakababa na kami ng basement. We both stepped out of it. Naglakad na kami papunta sa kanya-kanyang sasakyan. Napansing kong isang kotse lang ang nakapagitan sa kotse naming dalawa.

Bago ko pa buksan ang pinto ng sasakyan ay bumaling ako sa kanya. Nanatili siya malapit sa sasakyan ko at hindi pa nilalapitan ang kanya. He looked at me expectantly. Kung makatitig siya ay mukhang handang-handang makinig sa anumang sasabihin ko.

"You should never be ashamed, Theo," mataman kong sinabi. "I never blamed you for anything."

"My family hurt you."

I shook my head. "You're right, but you are not your family."

Pinagmasdan ko pa siya ng ilang segundo. Nang makumbinsi ko ang sariling natanggap niya na ang sinabi ko ay muli na akong humarap sa sasakyan at binuksan ang pinto nito.

"I want another chance with you." His voice rang with clarity.

Nabitin ang pagbubukas ko ng pinto ng kotse. He was very straightforward this time. Unti-unti ko siyang nilingon.

Tanging determinasyon ang nakikita ko sa mga mata niya.

He wetted his lips. "I haven't moved on. I still carry a torch for you all these years. I still think about you every second of every day. I am still so in love with you."

The Second FallOnde histórias criam vida. Descubra agora