Chapter 34

20.6K 521 169
                                    

Chapter 34

Shameful Bastard

"Baka naman close lang talaga silang dalawa," si Nurse Relani na kanina pa parang pinagdidiinan ang insidenteng nakita namin sa pagitan nina Theo at ng bagong doktor kaninang umaga.

"Hmm..." tanging komento ko sabay tusok ng hawak na tinidor sa patatas na kinakain. Mangilan-ngilan na lang ang kumakain sa loob ng cafeteria dahil patapos na rin ang lunch break.

"Tingin mo magkakilala na sila dati pa? Sa Canada siguro, ano?"

Nagtaas ako ng isang kilay at nginuya na ang patatas na isinubo. "Puwede mong tanungin si Theo niyan o 'yong bagong doktor."

"Ayaw ko naman. Para naman akong si Risa niyan."

"Ano ba kasing nangyari kay Nurse Risa?" Inubos ko na ang natitirang isang piraso ng patatas sa plato.

"May nangyari sa kanila ni Doc Eric."

Itinabi ko ang tray ng naubos na pagkain at sumandal sa backrest ng upuan. "Ano? Nag-away na naman?"

"Nag-away sa kama."

Bumagsak ang panga ko. "S-Seryoso? Pa'no nangyari?"

"Aba malay ko. Ayaw ko namang alamin ang detalye kung pa'no sila nag-away sa kama."

Sa kabila ng pagkagulat ay nakuha ko pa ring tumawa.

"I mean pa'no nangyari, e akala ko ba mortal enemies sila?"

"Hindi ko nga rin alam. Kilala mo naman si Risa. Chismosa nga siya pero sobra namang mapagsekreto 'pag tungkol na sa personal na buhay niya."

Napatitig lang ako kay Nurse Relani. Isang linggo lang akong nawala pero ang dami ng nangyari.

"Si Doc Eric, nasaan?"

"Hayon. Tambay na sa ER. Nag-ugat na bigla ro'n. Ayaw ng umalis at do'n na yata titira."

Ngumuso ako at napatunganga na lang sa kawalan. And here I thought I am a very good observant. Hindi ko man lang napulsuhan ang nangyayari sa paligid at sa mga naging kaibigan na rin. Masyado lang din siguro akong naging okupado sa mga nangyayari sa sariling buhay lalo na nitong mga nagdaang araw.

Naghintay ako na matapos si Nurse Relani sa kinakain niyang pancit palabok. Sa kakadaldal niya kanina pa ay mas naunahan ko siyang matapos sa pagkain. Sabay na kaming lumabas ng cafeteria at kalaunan ay naghiwalay lang dahil sa ward ako tumuloy para sa routine check up.

Nagdikta ako ng mga bilin sa nurse para sa isang pasyente na madi-discharge na sa susunod na araw. Mabilis lang ang consultation kaya mas maaga akong nakalabas ng ward. Kumalam ang sikmura ko at natanaw ko sa isang station na nagtitipon ang iilang nurses habang may nilalantakang pizza. Sinulyapan ko ang suot na relo at nakitang pasado alas tres na pala ng hapon.

"Doc Abby! Meryenda!" tawag sa akin ng isa sa mga nurses.

Natakam ako lalo na nang maamoy ang pepperoni flavor kaya lang ay napangunahan ako ng pagdududa. Nagpirmi ang mga paa ko sa kinatatayuan.

"Kaninong libre 'yan?"

"Kay Doc Sharmaine. 'Yong bagong surgeon. Kain ka!"

The Second FallWhere stories live. Discover now