Chapter 27

19.1K 419 49
                                    

Chapter 27

Lost

I could not sleep that night. The warmth of his lips still tinkled on mine. Hindi dapat nangyari iyon. Hindi ko dapat siya hinayaan lalo pa at naging matabang naman ang pakikitungo niya sa akin pagkatapos ng halikan naming dalawa.

I tried making a casual conversation after that. He was cold and dismissive. And later on, he turned silent. Hanggang sa ako na mismo ang nagpasya na umuwi na kaya pumasok na kami sa kanya-kanyang sasakyan at umalis.

Naging cold ba siya bigla dahil naalala niya ang asawa at anak niya? Did he feel guilty because he thought that he was cheating on his wife? The kiss was long. It took minutes. Naging... kabit niya ba ako sa loob ng ilang minuto?

Napatalukbong ako ng kumot sa kahihiyang bumabalot sa katawan habang inaalala ang nangyari kagabi. Was I too easy to get or was I just simply too uncaring? Hindi ko na tuloy alam kung papaano huhusgahan ang sarili. I could not think straight anymore. Napabalikwas na ako ng bangon at nagtungo sa banyo. I took a cold shower.

Mabagal ang takbo ng umaga ko dahil day off ko naman. Gusto kong maging healthy and productive ang araw kaya nagpasya akong mag-jogging sa park. I wore my running attire, a white sports bra and black sweatpants. Isinuot ko na rin ang kulay puting running shoes. Pagkatapos maitali ang buhok at maisuot ang wireless earbuds, lumabas na ako ng condo unit.

Sumakay ako sa kotse papunta sa park. Medyo mainit na kasi pero kumpiyansa naman ako na hindi mainit sa park. Maraming malalaking puno na nakapalibot rito. That's why it's a good place for a run maski tirik na ang araw.

Ipinarada ko ang sasakyan sa parking area. Uminom muna ako ng tubig bago lumabas ng kotse. I turned on the music and started my run. May iilan din akong nakikitang nag-jo-jogging at mga pamilyang nagpi-picnic sa gitna ng malaking parke.

I started to get sweaty and I knew that it was just right. I turned off my music at pinakinggan na lang ang huni ng mga ibon at ang tawanan ng mga pamilyang naroon.

Tumingala ako sa mga ipinapalipad na saranggola at doon ko narinig ang iyak ng isang bata. Ibinaba ko ang tingin mula sa saranggola at nakita ko sa may hindi kalayuan ang nadapa na isang batang babae. She was wearing a cute sunflower printed dress. Tumakbo ako palapit sa kanya.

"Hey... it's okay," I softly murmured as I bent down to help her. Tinulungan ko siyang bumangon at pinagpag ang laylayan ng kanyang dress dahil nadumihan ito ng kaonti.

"My... i-ice cream," munting hikbi niya nang makatayo na.

Dumapo ang tingin ko sa kanyang ice cream na nasa lupa na. Nag-angat ako ng tingin sa maamo niyang mukha at ngumiti.

"It's fine. You can get another one..."

Tumango siya. Sinuri ko ang sugat sa kanyang tuhod. Mabuti at hindi naman ito malala. Maliit na galos lang.

Tiningnan ko siya ulit. "Where is your mommy?"

"Dakota!" Dinig kong pagtawag galing sa likuran.

Tumayo na ako ng maayos at nilingon ang babaeng tumatawag. Nagulat ako nang makita ang nag-aalalang si Winona Arabella Santibañez Del Fuego. Sa lubos na pag-aalala niya ay hindi niya na ako tiningnan pa at kaagad niyang dinaluhan ang bata.

"What happened, sweetie?"

Niyakap lang siya ng bata at hindi ito kumibo.

"Nadapa siya kanina," ako na ang sumagot.

Mabilis akong nilingon ni Winona. Tinitigan niya ako sa naniningkit na mga mata ng ilang segundo.

"Nurse Abby?" singhap niya.

The Second FallWhere stories live. Discover now