Chapter 3

15.6K 427 49
                                    


Chapter 3

Palad

He is into Winona. It was very simple and easy to decipher. Lalo pa at tahasan niya rin itong inaamin. I could not concentrate with the medical textbook I was reading because of my giggling co-workers. Kanila pa nila ito ginagawa simula pag-alis noong doktor.

"Ang gwapo, grabe!" si Kim sabay tili.

"Oo nga, eh. Ang suwerte ni Winona," dagdag naman ni Jane.

I sighed. Huwag nilang sabihin na dahil sa pagdating ng batang Hemendez na iyon ay palagi ng ganito ang iaasal nila. Fangirling at its finest agad.

"Nagwagwapuhan ka rin ba kay Doc Theo, Nurse Abby?" baling sa akin ni Jane.

Hindi ako nag-angat ng tingin. I flipped on the next page maski hindi ko pa tapos basahin ang huling talata. "Okay lang naman. Hindi ako napapangitan."

"So nagwagwapuhan ka nga?"

"Hindi ko masasabi. Hindi ko naman siya tinitigan nang husto."

Hindi niya na ako muling kinulit pa dahil alam kong batid niya ang kawalan ko ng interes sa paksa. Ipinatawag ako ni Doc Wenceslao kaya umalis na rin ako ng station at nagtungo sa kanyang opisina. Nadatnan ko sa loob si Doc Theo Hemendez at ang iba ko pang kasamahan na pawang mga nurse.

Napasulyap si Doc Wenceslao sa akin nang makapasok ako.  "And this is Nurse Abby," pagpapakilala niya kaagad na halatang para sa bagong dating na doktor. "Medyo matagal na rin siya rito sa Pillars. She's one of the best nurses that we have here."

Bumaling sa akin ang batang doktor at tipid akong nginitian. Maybe he was being friendly since isa ako sa ipinakilala ni Winona sa kanya.

Nagpatuloy naman sa pagsasalita si Doc Wenceslao. "Everyone, this is Doctor Cain Mattheo Hemendez. He is the only son of Madame."

"Please, don't think of me as the owner's son," he interrupted politely. Palakaibigan niya kaming tiningnan. "Just think of me as one of the doctors here as well. I am looking forward to working with you."

Tinitigan ko siya ng ilang sandali. Naalala ko ang naging tanong ni Jane sa akin kanina kung nagwagwapuhan ba ako kay Doc Hemendez. Hindi maipagkakaila na anak nga siya ni Doc Arthur. He is just a bit taller though compared to his father.

May natural na brown shade ang kanyang maiksing buhok at kulay brown din ang kanyang malalim na mga mata na kinukubawan ng mahaba niyang pilikmata. Makapal ang kanyang kilay. Matangos ang kanyang ilong. He has a square jaw. He is neat looking as he is clean shaven. He has thin lips na may pagka-kulay pula dala na rin siguro sa pagiging mestizo niya. Everything about his looks screams that he is not a pure blooded Filipino at may halong dugong banyaga.

" . . .as we work together. All right?"

Sa katititig ko sa kanya ay hindi ko na napakinggan pa ang mga pinagsasabi ni Doc Wenceslao. Nakisabay na lamang ako sa pagtango ng mga kasamahan kong nurses. Lumabas na rin kami ng opisina matapos ang maikling introduction.

Nagpapasalamat na rin ako sa pagdating ni Doc Theo dahil hindi na naging masyadong abala ang Pillars. May katuwang na si Doc Wenceslao at nahati na ang mga residente ng nursing home.

Naging interesante sa akin ang sumunod na mga araw sa Pillars. Ayaw ko mang punahin ang halatang love triangle ay hindi ko naman magawa dahil lagi kong nasasaksihan lalo na kapag nasa iisang silid lang kami nina Winona at Senator Caleb. O hindi kaya ay nina Winona at Doc Theo.

It was very interesting to see how confuse she is kung sino sa dalawa ang mas matimbang sa puso niya. Namamangha ako dahil hindi ko ma-imagine ang kanyang pinagdadaan. Wala naman akong karanasan.

The Second FallWhere stories live. Discover now