Chapter 23

17.5K 387 45
                                    

Chapter 23

Emergency Room

Si Theo na ang nagtahi sa sugat ng bata. We never talked after that. I guess I also disappointed him professionally. Hindi ko naman siya masisisi sa nararamdaman niya. Naging unprofessional naman talaga ako dahil nakuha ko pang tumanggi sa isang responsibilidad na inutos niya sa akin.

Nagtungo ako sa Information desk kinagabihan. Kaagad na humupa ang usap-usapan at nagulo ang pagtitipon ng ibang nurses sa isang sulok sa pagdating ko.

"Ako na naman ba ang pinag-uusapan nila?" kalmadong tanong ko kay Nurse Relani na abala sa computer.

"Bakit ka naman pag-uusapan?" aniya na hindi man lang tumigil sa ginagawa. Hindi rin siya nag-angat ng tingin sa akin.

Natigilan ako bahagya. Nag-expect kasi ako na gaya ng kadalasang nangyayari ay tatanguan lang niya ako.

"Tungkol sa batang pasyente namin ni Doc Theo kanina?" paghula ko.

Huminto na siya sa ginagawa sa harap ng computer at nagtataka akong pinagmamasdan. "Bakit? Anong nangyari? Balita ko maayos naman ang surgery, ah."

"Walang... nasabi si Doc Theo?" pagtataka ko.

"Na alin?" Naniningkit na ngayon ang mga mata ni Nurse Relani. Batid ko ang pagiging kuryoso na niya.

"Wala naman," agap ko sabay pasada ng tingin sa nurses na tahimik na at nakapokus na sa kani-kanilang trabaho. Inakala ko na ako at tungkol sa anxiety ko na naman ang pulutan ng tsismisan ng nurses.

Inisip ko rin kasi na baka may nasabihan si Theo tungkol sa ginawa kong pagtanggi para sa pasyente kanina. Mabilis pa namang kumalat ang tsismis lalo na sa department namin.

Napasulyap na rin si Nurse Relani sa mga kasamahan niya.  "Ah, 'yon ba? Iba na ngayon ang pulutan nila."

"Ano?" wala sa sariling tanong ko at tiningnan na siya.

Nag-iwas siya ng tingin at pinagtuonan na ng pansin ang computer. Base sa ekspresyon ng mukha niya, hindi siya komportableng sabihin ito sa akin.

"Anong pinag-uusapan nila kanina, Nurse Relani?" pangungulit ko.

"Uh... bumisita raw kasi sa office ang... mag-ina ni Doc Theo. Iwe-welcome yata siya sa bago niyang workplace."

"Naku! Hindi naman kagandahan 'yong hitsura ng wife niya," biglang sabad ng kararating lang sa station na si Nurse Risa. Ang bilis niya yatang nakasagap ng tsismis. "Mas maganda ka pa, Doc Abby!" dagdag pa niya.

"Hoy, 'yang bibig mo talaga, Risa, dapat nilalagyan ng filter," sita sa kanya ni Nurse Relani. "Mamaya marinig ka pa ni Doc."

Hindi pa rin nagpaawat ang mas batang nurse. Inilapag niya ang hawak na chart ng pasyente sa mesa at nakapameywang ng hinarap si Nurse Relani.

"Eh, totoo naman. 'Yong anak lang nila 'yong legit na maganda kaya lang medyo suplada rin. Mana yata sa ina."

"Kibata-bata pa no'n hinuhusgahan mo na," saway sa kanya ni Nurse Relani at pagkatapos ay bumaling ulit sa akin. "Pinauwi rin kaagad ni Doc Theo ang mag-ina niya. Bad mood yata siya today."

The Second FallWhere stories live. Discover now