Chapter 10

13.9K 364 16
                                    

Chapter 10

Workplace

Ang awkward. Matapos iyong ginawa niyang outburst kanina ay hindi ko na alam kung paano siya titingnan. Tahimik lang kaming pareho habang naglalakad pabalik sa balsa kung nasaan sina Kuya Baldo at Ate Meryl. Simula noong matapos siya sa pagsisigaw ng nararamdaman para kay Winona ay nakaramdam ako ng kakaiba. Ganoon ba talaga kapag ikaw mismo ang witness ng gano'ng klaseng bagay?

Wala naman akong mapagkukumparahan na ibang lalaki dahil si Doc Theo pa lang naman ang nakasama ko sa ganoong sitwasyon at pagkakataon. Naputol ang takbo ng isipan ko dahil sa biglaan niyang pagtikhim mula sa likod.

"Pasensiya na kanina..." panimula niya kaya bahagya kong binagalan ang paglalakad. "I was just..."

"Wala 'yon," agap ko sabay lingon sa kanya. "I gave you that idea and you just obliged."

Tumango siya at napatitig sa akin. Hindi ko man lang namamalayan na nahinto na pala kami sa paglalakad.

"Hindi naman ako therapist but I hope it helped," dagdag ko para mabawasan ang katahimikan.

"It did," tugon niya sabay gawad ng ngiti.

"Ibig sabihin naka-move on ka na?"

Umawang ang labi niya sa tanong ko. Panandalian siyang natigilan.

"I'm... getting there."

Tumango ako na para bang naiintindihan ko. Nga naman, masyado pa sigurong maaga para maka move on siya.

Tinalikuran ko siya ulit at nagpatuloy na kami sa maingat na paglalakad sa batuhan. May bumabagabag na naman sa isipan ko. Gaano ba katagal ang pagkakalugmok mula sa kasawian sa pagmamahal? May rule ba kung ilang araw, buwan, o taon?

Niyakap ko ang sarili dahil nilalamig na. Nang sa wakas ay nakalapit na sa balsa, namataan ko kaagad sina Kuya Baldo at Ate na naghahanda na ng mga pagkain sa loob ng maliit na kubo. Sa pagkakataong iyon ay naging maingat na ako sa pag-apak sa balsa.

"Muntik na kayong lapitan ni Baldo dahil ang akala niya, eh nag-aaway kayong dalawa," bungad ni Ate Meryl pagpasok ko sa loob. 

Nauna akong lumapit sa kanila at nagtungo naman sa likod si Doc Theo para kunin ang isinampay niyang tshirt sa sanga ng puno.

Kinuha ko ang tuwalya sa bag at nagpunas.

"Okay lang ba si Doc Theo, Clau?" dagdag ni Ate.

"Nagpalabas lang po ng... sama ng loob," sagot ko sa mahinang boses dahil napansing paparating na rin si Doc Theo.

Napuna iyon ni Ate kaya ngumiwi na lang siya at binati si Doc nang pumasok ito sa maliit na kubo. Nakapagsuot na siya ng tshirt. Kaagad niyang nahanap ang mga mata ko. Nagkatinginan kami ng ilang segundo. Naalala ko na naman ang mga sinabi niya roon sa falls.

Nauna akong nag-iwas ng tingin at ibinaling ito sa mga nakahandang pagkain sa mesa na gawa sa kawayan.

"Huwag ka na munang magbihis, Clau," payo ni Ate nang maupo na kami sa tabla. "Balik tayo sa ilog mamaya pagkatapos mananghalian."

Ngumiti ako at tinanguan siya.

"Ikaw, Dok? Hindi ka na babalik sa pagligo?" si Kuya sabay baling kay Doc Theo na nakatayo naman malapit sa kanya.

The Second FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon