Chapter 15

13.4K 331 16
                                    

Chapter 15

Girlfriend

"Hindi ka pa ba babalik ng Manila?" sabi ko kay Theo sa isa sa mga tahimik naming hapon.

Nakasandal ang ulo ko sa kanyang balikat. Nakaupo kami sa terasa ng nirerentahan niyang bahay ni Mang Teban. Mula sa kinauupuan namin ay tanaw ang papalubog ng araw.

"Babalik lang ako kung babalik ka na rin."

Ipinaling ko ang ulo para matingnan siya nang maayos.  "Hindi ako sigurado kung may babalikan pa ako ro'n."

Nagkasalubong ang kilay niya. "What do you mean?"

Pinutol ko ang pagtitig sa kanya at muling ibinaling ang tingin sa harapan.

"Wala na ako sa Pillars... alam mo naman 'yan..."

Wala akong narinig na komento mula sa kanya sa loob ng ilang segundo. Hinihintay niya yata na magpatuloy ako pero hindi ko iyon ginawa dahil maski ako ay wala ng nakapa na sasabihin sa kanya.

"Hindi kita kukulitin na sabihin sa'kin ang rason ng pag-alis mo," aniya nang mapagtantong wala na akong maidadagdag. "If you don't want to go back to the Pillars, there are still other options."

Natutop ko ang labi. Iniiwasan ko na masabi sa kanya ang tungkol sa papa niya. Ano kaya ang iisipin ng mga magulang niya kapag nalaman nilang kami na ni Theo?

"We can apply for other hospitals," pahabol niya pa.

"We?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Aalis na rin ako ng Pillars," deretsahan niyang sinabi.

Ang pagtaas ko ng isang kulay ay naging pagkunot ng noo.

"Bakit? Akala ko ba nag-i-indefinite leave ka lang?"

"I think I just need a new environment."

"Eh, iyong parents mo?" Awtomatikong lumipad ulit ang isipan ko sa magiging reaksiyon ng mga magulang niya.

"Sanay na naman silang hindi talaga ako nagpipirmi sa Pillars. Nagpunta na nga ako ng Canada dati."

Natahimik ako pansamantala at napaisip. Ramdam ko ang malalim na paghugot niya ng isang buntonghininga.

"Kapag ba sa ibang ospital tayo magtrabaho, babalik ka na ng Manila?" maingat niyang tanong.

Napasinghap ako at tuluyan na talagang napaayos ng upo. Hindi na ako sumandal pa sa kanya at hinarap na siya. Mariin ko siyang tiningnan. He looked careful.

"Aalis ka sa Pillars dahil sa'kin?" Halos hindi iyon tanong.

"I just don't want you to feel uncomfortable..."

"Anong ibig mong sabihin?" Gumapang ang kaba sa damdamin ko.

"Alam kong kaya mo ayaw bumalik ng Pillars ay dahil kay Dad..."

Ang kaba na gumapang ay tuluyan na ngang kumatok. Kinutuban akong alam niya ang nangyari.

"H-Hindi ko—"

The Second FallWhere stories live. Discover now