Chapter 31

21K 507 47
                                    

Chapter 31

Arrangement

"Where are we going today, Mama?"

Yumuko ako para maglebel ang mga mata namin ni Red. "To the park. Do you want that?"

"Yes!" tango niya at pagkatapos ay nilingon si Theo na nasa likod niya. "Are you coming with us, Papa?"

"I'm afraid I can't. I have to go to the hospital today." Bumaling si Theo sa akin. "Did you take a day off today?"

"Oo. Balak ko rin na mag file ng leave of absence for one week." Tumayo na ako ng maayos at hinawakan ang kamay ni Red. "I want to spend more time with Red."

Ngumiti si Theo. He nodded understandingly. Muli siyang napasulyap sa mansiyon. "Maybe Liz can come with you as well—"

"Bakit siya sasama?" medyo agresibong tanong ko. Naiinis kung bakit isasama pa ang asawa niya sa lakad namin ng anak ko.

"She can help you..." Kumunot ang noo ni Theo habang mariing nakatitig sa akin.

"We can manage," giit ko. Kaya kong alagaan ang anak ko, dagdag ng isip ko. Tiningnan ko ulit si Red at matamis na nginitian. "Are you ready? You can say goodbye to your Papa now."

Binitawan ko ang kamay niya. Mabilis niyang niyakap ang ama.

"Bye, Papa! We'll see you later!"

Muling bumalik sa akin si Red at kinuha ulit ang kamay ko.

"Aalis na kami," paalam ko kay Theo.

Tumango siya pero may pagtataka pa rin sa mga mata niya. Pumasok na kami ni Red sa loob ng kotse ko at ilang sandali pa ay pinaandar ko na ito paalis.

We went to the park. Sa parehong parke kung saan kami nagkita ni Winona. Ang likot ni Red at ang dami niyang mga tanong sa bawat nakikitang bagay sa paligid. Naaaliw naman ako habang sinasagot siya.

"Do you want some ice cream?" tanong ko kay Red nang makahinto kami sa tapat ng nagtitinda ng sorbetes.

"I want vanilla ice cream," tugon niya. "Your favorite is chocolate ice cream. Papa told me!"

"Your papa is right." Napangiti ako. Pati pala ang mga paborito ko ay naikuwento ni Theo sa anak namin.

Kinapa ko ang pera mula sa bulsa ng suot na jeans at lumapit na sa ice cream vendor.

Pagkatapos naming bumili ng ice cream ay naupo kami sa magkatabing swing. Hinawakan ko ang likod ng kanyang swing para masigurong hindi siya mahulog mula rito.

"Is it okay with you if we get to know each other better?" marahang tanong ko.

"But I already know you so well, Mama."

"I know." Marahan akong natawa. Bilib na bilib nga sa maraming alam niya. Banayad ko siyang tiningnan. "But I... I still don't know a lot about you." Nangibabaw na naman ang emosyon ko. "I don't know your favorite color..."

"My favorite color is red, and yours is green."

Napangiti ako. "What's your favorite fruit?"

The Second FallWhere stories live. Discover now