Chapter 6

14.2K 397 34
                                    

Chapter 6

Vacation

Sa mangha at gulat niyang reaksiyon ay napagtanto ko ring hindi niya inasahan ang pagkakita sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?" Nagkasabay pa kami sa pagsabi ng parehong tanong.

Bumuka-sara ang bibig ko at hindi pa rin makabawi sa gulat. Kaswal lang ang kanyang suot na isang manipis na vneck shirt at faded jeans. He is also wearing a casual gray loafers.

"T-Taga rito po ako," sagot ko na namamangha pa rin.

"Oh. I didn't know that." Nahalata ko nga sa hitsura niya. Lumagpas ang kanyang naniningkit na tingin sa likuran ko.

"I'm with my... cousin po," sabi ko sabay tanaw na rin sa tinitingnan niya. "How about you, Doc? Bakit ka nandito?"

"I'm on vacation."

Kumunot ang noo ko sa sagot niya. Vacation? Sa lugar na ito? And then it hit me, tapos na yata ang kasal ni Winona. Is he perhaps... trying to escape because of being heartbroken?

Imbes na usisain siya sa totoong rason ng pagpunta niya sa San Pablo ay ipinaalam ko na lang ang pakay ko.

"Nasaan na iyong may-ari nitong bahay?"

"Nasa Manila." Napasulyap siya sa loob ng bahay bago muling tumingin sa akin. "I'm temporarily renting this house. Gusto mong pumasok?" Mayroong pag-aalangan sa kanyang imbitasyon.

Tumango ako bilang respeto at pagpapaunlak na rin sa imbitasyon niya. Siyempre manghihiram din ako sa kanya ng mga bagay na iniutos ni Kuya Baldo sa akin.

Tinanggal ko ang suot na tsinelas at inilagay sa may gilid ng pintuan. Pumasok na ako sa loob. Ito ang unang beses na nakapasok ako sa loob ng bahay nina Mang Teban na sa pagkakaalala ko noon ay isang kubo lang. Wala akong masyadong nakikitang mga gamit sa sala bukod sa sofa. Ni wala nga ring TV. Hindi maliit ang bahay ngunit hindi rin naman masyadong malaki. Sa hitsura nito ay tila ba pasadyang kinuhanan na ng mga gamit upang ibenta.

"Gusto mo ba ng maiinom?"

Dahil sa tanong ni Doc Theo ay naalala ko na ang sadya kaya tumigil na ako sa paggala ng tingin at bumaling sa kanya na nakapamulsa sa likuran ko.

"Hihiram sana ako ng itak... at baso."

Ilang segundong nagtagpo ang kanyang kilay na para bang napakahirap na palaisipan ang mga binanggit kong gamit. Kalaunan ay nakabawi naman siya.

"May baso pero hindi ko alam sa itak..." Itinuro niya ang pinto na marahil ay patungo sa kusina. "We can check..."

Sumang-ayon ako at sumunod na sa kanya patungo rito. Nawe-weird-uhan pa rin ako na narito siya sa probinsiya ko. Sa lahat ba naman ng pupuwedeng pagbakasyunan, dito talaga?

Maliit lang din ang kusina na may isang round table. May isang ref din dito. Napatingin ako sa banda niya nang mag-squat siya at binuksan ang cabinet sa ibaba.  Siguro ay naghahanap na sa itak. Nagsimula na rin akong tumulong upang mapadali ang paghahanap. Binuksan ko naman ang kabilang cabinet.

Binalot kaming dalawa ng katahimikan. Ang tanging tunog lang ng mga iginagalaw naming gamit ang namayani. Hindi ko rin magawang magtanong sa kanya kung bakit talaga siya narito at kung kailan siya magtatagal dito dahil hindi naman ako ganoong klase ng tao. Hindi ako nakikiusyoso sa buhay ng iba.

The Second FallWo Geschichten leben. Entdecke jetzt