Chapter 16

12.4K 367 39
                                    

Chapter 16

Intimate

Inayos ko ang pagkakatali ng buhok bago tumayo mula sa upuan sa loob ng station. Napatingin sa akin si Nurse Relani mula sa computer.

"Ngayon lang kita nakitang nagpusod ng buhok, Nurse Abby, ah," komento niya, "Mas lalo kang gumanda."

"Medyo mainit kasi," sabi ko at kinuha na ang chart para maghanda sa pag-alis at pagpasok sa wards...

"Oo nga naman..." pangsang-ayon ni Nurse Relani.

Nagpaalam na ako sa kanya at lumabas na ng station. Naglakad ako sa hallway papuntang ward para sa rounds namin ni Doc Marco. Sa hallway ko na rin siya nakasalubong.

Binati ko siya at ngumiti naman siya pabalik. Pumasok na kami sa loob. Bitbit ko ang charts sa isang kamay habang naglalakad kasunod niya. Abala siya sa pagbabati sa mga pasyenteng nasa kani-kanilang hospital bed.

Matagal ng doktor sa Makati Medical Center si Doc Marco kaya naman ay halatang kilala siya at marami talaga ang mga pasyente na nagre-request na siya ang maging surgeon nila.

Huminto kami sa pangatlong bed. Ngumiti si Doc Marco sa lalaking pasyente na nakahiga rito. Kumpara sa pamumutla na nakita ko kahapon ay may kaonting kulay ng pula na sa mukha niya.

"How are you feeling, Jimmy?" palakaibigang tanong ni Doc Marco.

"Medyo okay na po, Doc," tugon ng pasyente sa mahinang boses. "Kumusta rin po?"

Mahinang natawa si Doc Marco. Marahil ay hindi inasahan na mangungumusta rin pabalik ang pasyente sa kanya.

"I'm good," magiliw na tugon ng doktor at pagkatapos ay pahapyaw ang sinulyapan. "Oh, batiin mo rin naman si Nurse Abby!"

Nahihiya akong nginitian ni Jimmy. "Morning, Nurse Abby. Ang galing niyo pong nurse..."

"Salamat," nakangiting tugon ko sa papuri niya.

Nagpatuloy pa sila sa pag-uusap ni Doc Marco habang sinuri ko naman ang IV ng pasyente. I decreased the pressure of the clamp on the tube to slow the  rate of the fluid. Matapos itong gawin ay binilang ko rin ang number of drops nito para masiguro na tama ang rate ng flow.

Buong araw akong naging busy sa trabaho at sa pagpapainom ng gamot sa mga pasyente. Bumalik din ako sa pag-a-assist ng consultations ni Doc Marco. Sampong minuto na lang at patapos na ang consultation niya nang balingan niya ako ng tingin.

"You should take your lunch now, Nurse Abby," saad niya.

"May ten minutes pa po," sabi ko sabay sulyap ulit sa suot na relo kahit natingnan ko na naman ang oras kanina.

"That's fine. I can handle it from here." Ngumiti siya. "Naghihintay na rin yata sa'yo si Doc Theo."

Napakagat ako sa ibabang labi. May duda naman akong may alam siya sa relasyon namin ni Theo pero iyon na yata ang unang beses na pahapyaw niya itong nabanggit.

"Okay, Doc," pagpayag ko na lang at baka mas maging awkward pa ang sitwasyon.

Lumabas ako ng ward at nagpunta na pabalik sa station. Muntik na akong mabuwal sa sahig nang natanaw nga si Theo na kaswal na nakikipagkuwentuhan sa nurses na nasa station. At siyempre nakasuot siya ng lab coat niya. Marahan siyang natawa at humagikgik naman ang mga katrabaho kong nurses.

The Second FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon