Chapter 19

13.5K 401 68
                                    

Chapter 19

Red

Nanlamig ako. Nakaupo man sa tapat ko si Attorney Pelaez, parang mag-isa pa rin ako sa mesa. Mag-isang inuunawa ang lahat.

"Paanong... Hindi ko..." pangangapa ko.

"We were friends," paliwanag ni Attorney. "Arthur was one of my brothers... Brothers bonded by our fraternity in college."

"Pero pa'no nadamay ang nanay ko?" mariin kong tanong.

"Arthur fell for your mother. Hindi ko siya masisisi. Your mother was beautiful, kind, smart..." Malungkot siyang napangiti at may kakaibang kislap na sa mga mata niya.

"You also fell for her," komento ko sa mahinang boses nang mapagtanto ang lahat.

"Yes, I did," pag-amin niya. "Inocencia was a charming woman. Pati nga ang atensiyon ng isang dating Governor Teodoricio Albes ay nakuha niya."

Muli kaming natahimik habang pinoproseso ko ang lahat.

"Pero sa huli, ang nag-iisang Julio Manalo lang ang binalingan ng tingin ni Inocencia," pagpapatuloy ni Attorney.

"At ikinagalit iyon ni Doctor Arthur Hemendez," dugtong ko, napagtagpi-tagpi na ang lahat. "Kaya niya pinatay ang nanay ko—"

"Arthur refused to operate on your mother," pagtatama niya. "He eventually regretted it in the end but—"

"Anong pagkakaiba no'n?" Sa galit at matinding emosyon ay napaahon ako sa kinauupuan. "Kung inoperahan niya sana si nanay, hindi sana siya namatay. Hindi sana sumunod ang tatay ko dahil sa sama ng loob at pagsisisi. Hindi sana ako naulila!"

Natahimik siya. Wala akong pakealam maski pinagtitinginan na kami ng iba pang customers sa café dahil sa bahagyang pagtaas ng boses ko.

"At kayo? Wala kayong ginawa," marahas na paratang ko. "Pinagtakpan niyo siya sa loob ng mahabang panahon! Bakit? Dahil ba kaibigan niyo siya at mahirap lang kami?"

"I'm sorry, hija," bigo niyang saad. "We should have done more. Arthur took an oath as a doctor. Maski kahit man lang iyon ay tinupad niya..."

Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong ipinapakita ng mga mata ko. Siguro ay ang pagkasuklam sa kanila para sa dinanas ng ina. Anong karapatan nilang paglaruan ang buhay ng isang tao. Nagtiwala ang nanay ko sa kanila. Nagtiwala siya kay Doc Arthur hindi lang bilang doktor kundi bilang kaibigan na rin. Hindi ko maintindihan kung paano nila naatim na gawin iyon sa isang kaibigan.

"The guilt and burden of the past had been eating me," dagdag niya. "And when a dear friend of mine passed away, it had swallowed me whole."

"Anong magagawa ko ngayon?" walang lakas na sambit ko. "Kung magpa-file ba ako ng lawsuit bilang medical malpractice kay Doc Arthur may bisa pa 'to? Ang tagal na panahon na no'n..."

"I am afraid you are right," mapait niyang sinabi.

"Bakit ngayon ka lang lumabas? Wala na ang nanay ko..."

Napayuko siya marahil sa kahihiyan na rin. Pare-pareho lang silang lahat. Hindi ko kayang magpasalamat sa kanya para sa katotohanang sobrang tagal niya namang inilihim. Ano pa ang silbi nito? Para lang mawala ang guilt at malinis ang konsensiya niya? Paano naman ako?

The Second FallUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum