Chapter 24

17.5K 435 38
                                    

Chapter 24

Allergy

Isinampa ko ang ulo sa ibabaw ng desk. Dahil sa pagod sa buong araw na nasa ER ay nagpahinga ako sa loob ng doctor's quarters. Nangalay ang magkabilang braso ko pati na rin ang mga binti ko sa walang humpay na paglalakad para lang tugunan ang mga pasyente. I bent down a bit para abutin ang paa at mahilot ito ng kaonti dahil na rin sa pananakit.

Napasilip ako sa bandang pintuan dahil sa pagbukas nito. Pumasok si Nurse Risa na may dalang food container. Umayos na ako ng upo habang pinagmamasdan siya.

"I brought you dinner!" Inilapag niya ito sa mesa ko at nakita kong galing ito sa isang kilalang restaurant sa Makati.

"Kanino ako magbabayad?" tanong ko dahil inasahang nag-ambagan lang ang staffs at nagpa-food delivery gaya ng madalas naming ginagawa. Natakam na rin ako sa masarap na amoy ng pagkain sa loob ng container.

"Libre 'yan. Courtesy of Doc Theo. Pinaulanan niya ng dinner ang buong department."

"Baka naman bumabawi siya sa'tin dahil sa pagiging istrikto niya," komento ko sabay bukas ng takip ng food container.

Nanghihinayang ako at napabuntonghiniga nang makita ang laman nito.

"Hindi 'to puwede sa'kin," malungkot na sinabi ko dahil sa food allergy.

"Shit! Bakit? Shrimp?"

Ngumuso ako at tumango. Kinuha ni Nurse Risa ang container at ni-double check pa.

"Hala! Nag-agawan na kasi doon sa nurse's station. Hindi ko na tuloy na-check ang laman no'ng nag-secure ako para sa'yo. Hindi rin kasi pare-pareho ang foods."

"Sa'yo na lang 'yan o ibigay mo sa ibang staff," pahayag ko. "Magka-cup noodles na lang ako."

"Sorry talaga, Doc Abby!"

Tipid akong ngumiti. "Okay lang at hindi mo naman alam." Tumayo na ako at nagtungo sa food tray para maghanap ng makakain. Ang malas ko naman.

"Magpapa-order na lang ako for take out kay Kuya guard para sa dinner mo."

"Huwag na," tanggi ko. "Hassle lang sa part niya at saka 'di naman ako masyadong gutom." Kumalam ang mga bolate sa tiyan ko. Umaapila yata sila sa pagsisinungaling ko.

"Sure ka?"

"Oo. Sige na. Ibigay mo na 'yan sa iba para makain nila at baka masayang pa," pagtataboy ko sa kanya at sa pagkaing dala niya.

Kinuha niya ang food container at lumabas na ng kuwarto. Kinuha ko ang cup noodles at nilagyan ng mainit na tubig. Kumuha na rin ako ng tinidor sa drawer. Nagtiyaga na lang muna ako dahil wala naman akong ibang pagpipilian. Ginawa ko na lang itong pantawid gutom dahil balak ko naman na kumain ulit sa condo pag-uwi.

Umuwi ako ng condo pagkatapos ng shift at kumain ng mas matinong dinner maski breakfast na dapat dahil sa sobrang late ng oras. Mas maigi na rin iyon dahil hindi ako nagutom habang natutulog. Nakakatamad pa naman ang gumising sa gitna ng gabi para lang maghanap ng makakain.

Mas inagahan ko ang pagbabalik sa ospital para kausapin si Doc Marco tungkol sa assignment at sitwasyon naming dalawa ni Theo. Gusto kong maklaro ang lahat at sa kanya mismo manggaling ang official declaration ng changes ng assignments.

The Second FallWhere stories live. Discover now