Chapter 12

11.7K 296 23
                                    

Chapter 12

Inuman

Doctor Cain Mattheo Hemendez stole my first kiss. I didn't want to be affected. Ni ayaw kong bigyan iyon ng kahulugan. I couldn't even remember if I kissed him back or what. Sinubukan kong i-validate ang ginawa niya. Baka naman na-overwhelm lang siya sa pagkapanalo niya.

We both acted like as if it did not happen. Tumayo ako pagkatapos ng halik niya. Nanatili naman siyang nakahiga. Ngumisi ako at naglahad ng kamay sa kanya. Tinanggap niya ito at hinila ko na siya para makatayo na rin.

Sinulyapan ko ang biik na hawak niya. "Anong gagawin mo riyan?"

"I'll set it free."

"Sumali ka para lang pakawalan iyan?" singhap ko. Hindi makapaniwala sa balak niyang gawin.

Tumango siya at ngumisi. Bahagya siyang yumuko at nag-squat sa lupa. Marahan niyang ibinaba ang biik. Taliwas sa ginawa nito kanina sa palaro, hindi ito tumakbo kaagad papalayo at nanatili lang sa puwesto.

"This is your second chance to life," sabi ni Doc Theo habang tinitingnan ang biik na nakatingin din pabalik sa kanya na para bang nakikinig. "Don't let those bastards catch you, do you understand?"

Napakawalan ko ang tawa nang mag-oink ang biik sa kanya. Tumakbo na rin ito palayo.

"Congratulations, SuperTheo," sabi ko habang tinatanaw ang biik na tumatakbo na papasok ng gubat. "You just saved another life."

He gave a small smile and stood properly. Ipinalandas niya ang mga daliri sa basa niyang buhok. Walang tigil pa rin sa pagbuhos ang ulan.

"Puno ng putik ang ulo ko," reklamo niya. "We should go  and wash up."

Nagbaba ako ng tingin sa sarili. "Hindi ako sasakay sa kotse mo na puno ng putik ang katawan." Nag-angat ulit ako ng tingin sa kanya.

Nagkibit siya ng balikat. "I don't really mind."

Inalala ko ang magarang SUV niya. Luminga ako at hinarap ang deriksiyon ng gubat.

Kaagad niyang nakuha ang suhestiyon ko. Mariin ang ginawa niyang pag-iling.

"Ano? May ilog doon! Puwede na tayong doon magbanlaw," giit ko.

"There could be wild animals in there. It's dangerous."

Inirapan ko siya. Hinawakan ko ang kanyang braso at bahagya siyang hinila.

"Sanay ako sa gubat. Akong bahala sa'yo," puno ng kumpiyansa kong sinabi. "Halika na!"

Ang akala ko ay magmamatigas pa siya. Mabuti na lang at hindi dahil nagpatianod naman siya. Nagsimula na kaming humakbang sa deriksiyon ng gubat. Nakampante na akong susunod siya kaya binitiwan ko na ang braso niya.

"Bilisan mo!" natatawa kong untag. Tumatakbo kami paalis ng palayan.

Dumaan ako sa pilapil para hindi masyadong maputik, nga lang dahil sa basang mga damo ay nadulas ako pabalik sa maputik na palayan. Napaupo tuloy ako sa putik. Dinig ko ang tawa niya sa likod. Nahawa na rin ako.

Maagap siyang lumapit sa akin at kinuha ang kamay ko. Inalalayan niya ako dahil nabaon na sa medyo malalim na putik ang mga paa ko.

The Second FallWhere stories live. Discover now