Chapter 3

21 2 5
                                    

Gentle Game


Yusuf's POV


Nakakapasong sinag ng araw ang bumabalot sa daan habang papunta sa kabilang Building para daanan si Chanel papuntang eskwelahan pero pagdating ko doon ay wala ito sa pinagsabihan na lugar.

"Ano lalabas kaba diyan o aalis na ako" Bulyaw ko sa telepono.


"Sorry" Aniya "5 minutes puwede?"

Napatingin ako sa relo "Sige, sa University nalang tayo magkita" Sabay putol sa linya at umalis, diri-diritso lang ako sa paglakad sa ayaw mahuli sa klasi nang paakyat sa hagdan ay nabangga ako ng pababang studyante na para bang nagmamadali hindi ko nalang pinansin at pinagpatuloy lang sa pag-akyat nang sinundan ito ng ingay hanggang sa muntik ng malaglag sa hagdan ang isang studyante na para bang tinulak pero hindi na ito nakagalaw dahil sa bugbog.


"Ano ha? laban! laban!" Sigaw ng lalaki habang hinawakan ang isang studyante sa uniporme sa dibdib at hinahanda ang kamao.

Bahagya kong tinignan ang kalaban nito at nanlaki ang mga mata ng kilala ito. Si Lawrence. Bago pa tumama ang kamao sa mukha ay pinigilan ko at binalik sa kanya ang sariling suntok na nagpahawak sa ilong.

"Ayos ka lang?" Tanong ko dito kahit alam kong hindi dahil sa dugong lumalabas sa ilong at hirap na sa paggalaw. Sinipa ko sa paa ang lalaki na nagpaupo sa sahig saka hinatak si Lawrence paalis bago pa may makakita.


Sa likuran ng Building ay pinaupo ko siya sa seminto at pinahubad ang suot na uniporme para hindi na kumalat ang dumi at binigay ang extrang damit na dala, ginagamit ko ito tuwing may mga swimming lessons kami.

Inilabas ko ang maliit na box para gamutin ang sugat sa gilid ng ilong.

"Alam mo ikaw, huwag kang gumawa ng away kung hindi mo kaya okey?" Bulyaw ko, iwan nagmumukha akong tatay sa kanila dalawa ni Chanel na isa pang pasaway.

"Ano ba kasi nangyari?"


"Ehh, inagaw ko daw girlfriend niya, eh nagtanong lang naman yung babae" Paliwanag niya.


"Ah basta sa susunod kung kaya mong iwasan, iwasan mo nalang, mabuti nalang at nakita kita agad"

Pinalitan ko ang cotton na may alcohol ng bago at muling nilinisan ang sugat.


"Aray! aray!! dahan-dahan naman bro!" Reklamo niya at hinawakan pa ang kamay ko, binigay ko nalang din sa kanya ang cotton at hinayaan na ito ang gumamot. Binalik ko na sa loob ng bag ang box para umalis.

"Alis na ako" Paalam ko.


"Geh salamat!"


"Hoy, yung damit ko at, ingat ka!"


Tumango lang siya. Pasaway talaga, pagdating sa room ay sakto naman na sabay kaming pumasok ng prof.










Elijah's POV

"Nasaan ka na?"


"Sorry, hindi ko maiwan-iwan 'tong mga halaman ni mama, ano ba oras ang flight niyo?"


"12:15, bilisan mo!"


"Sige, pag dumating na ang bibili, didiritso na ako diyan"

Ako na pumutol sa linya namin ni Kaya ng nakitang may tumigil na trycicle sa gate ng Village. May babaeng bumaba at lumapit sa akin.


"Magandang araw, ito ba yung mga halaman?" Wika niya agad.


"Opo, pero sabi daw ni mama wala na daw siyang Philodendron prince of orange hybrid pero meron namang Monstera Adansonii"


Gentle Game 2: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon