Chapter 11

11 1 9
                                    

Gentle Game



Kaiden's POV



"Bro!!" nabuhayaan ako sa tawag ni Bright.

"Ayos ka lang? dagdag pa nito.



"Ha yeah, I'm fine!" komperma ko dito at muling bumalik sa pagkain para itago ang ngiti sa gitna ng pag nguya. Bakit ba kasi hinding-hindi mawala sa isip ko ang nangyari ng gabing iyon ni Elijah.





"Anyway I've got some information about to your opponents!"



Tinignan ko si Bright at tinaasan ng dalawang kilay.



"He came from Australia and guess what, mukhang magaling din ang kumag" Parang may pag hangang sambit nito.



"His name?" seryoso kong tanong.



"Hindi ko narinig eh!"



"Hmm, laki ng tulong!"



"Bakit? at least alam muna ngayon kung saan galing ang makalaban mo diba?"



Inirapan ko lang ito saka humigop ng juice.









Elijah's POV



Pagbaba ng kwarto ay dumiritso ako sa kusina para makahanap ng makakain pero pagbukas ng refrigerator ay nakita ko si mama sa garden at may kausap sa telepono, mabilis ako kumuha ng sandwich at lumapit dito.

"Ay ma, nandito pala si Elijah, kayo na ho kumausap"

Agad nito inabot ang telepono, kinuha ko naman ng walang ka edi-ediya.

"Helo lola?" malumanay kung tawag sa kabilang linya.



"Ijoooooo!!!" Parang nabutunan ng tinik nitong banggit "Naku, kumusta ka na? matagal tagal na din tayo nakapag-usap, kamusta ang trabaho? naku alam mong tuwing may dadaanan na eroplano dito aa amin ay sinasabihan ko yung mga nagtratrabaho dito apo ko yung nagmamaneho nyan!" Mahaba niyang wika na nagpangiti sa akin at nakaramdam ng pagkasabik.



"Lola!!" Patahan ko dito "Kalma lang po okey? Maayos lang po ako at saka kayo po? huwag niyo po pababayaan ang sarili niyo okey? nga pala gusto niyo po ako makausap?"



"Ah ayon nga, kasi limang taon na din ang nakalipas, at baka puwede dumalaw ka naman dito, sabik na sabik na kami ni lolo mo sayo!"



"Wala hong problema lola, bukas po pupunta ako diyan, ayos ba 'yon sa inyo?"



Muli na namang sumabik ang boses ni Lola sa narinig. Magkuwentohan pa kami ng ilang minuto doon bago nagpaalam at magkikita na lang bukas.





"Ma, sasama ba kayo bukas?"



Lumingon sa akin si mama habang naghahanda ng mga ingredients sa lulutuin sa kusina.

"Ikaw na siguro Eli, walang maiiwan dito kay Zadie, at may bibili bukas ng bulaklak, sayang"



"Ma ha, parang inuuna mo na yang halaman mo sa pamilya mo, at isa pa bakit nagbebenta ka pa ng halaman hindi ba kasya suweldo namin ni papa dito sa bahay?"



"Hindi kasi gusto ko din may pinagkakaabalahan dito sa bahay at isa pa anong suweldo namin ni papa, hoy dalawang beses mo lang ako binigyan ng pera galing sa sahod mo, baka ipakain ko sayo 'tong talong"



Napangit ako, oo nga pala pero sila din ang nagsabi na huwag nalang magbigay dahil kasya lang din naman ang suweldo ni papa.

Hindi na lang amo umimik at umalis na sa likuran ni mama at umakyat ng kwarto para maghanda ng kaunting dadalhin doon.

Gentle Game 2: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon