Chapter 28

12 0 0
                                    

Last December pa pala last update ko dito shesh, mag-iisang taon na pala, pero thank you padin sa mga patuloy na sumusuporta, anyways if you get any confusions sa chapter na ito let me know okey? nag review pako ng previews chapter para mabuo itong chapter na ito medyo nakalimutan ko na din kasi ang mga scenes. 😘🫶🏻


Gentle Game

Kaiden's POV

Hiyawan ang dumaungdong sa loob ng stadium ng pagpasok ko ng court, it reminds of my college, sinubukan kong itaas ang tingin para tumingin sa mga nanonood pero nakakasilaw na liwanag ang bumulag sakin para ibaba ang tingin.

"Hey!" Boses ni Coach Dean ang nagpalingon sakin.

Napayakap ako ng bahagya dito ng mabilis.
"You're here!" Ani ko.

"Yeps" Maikli nyang sagot "This was your big fight kaya hindi koto palalampasin" pagpatuloy nya.

Tumingin lang ako sa kanya at agad naman nakuha neto ang ibig kung sabihin tungkol sa makakalaban, hindi ako kinakabahan hindi ko lang inaasahan na sya ang makakalaban ko sa huling laro ko sa tennis.

"I know Kaiden" Hinawakan ako ni Coach sa kanang balikat "Just play the game just like in college, okey?" Sinundan niya ng bahagyang pag ngiti.

Tumango ako "Okey Coach" Sagot ko bago narinig ang boses ng announcer para i-welcome si Nicolas na pagtingin ko ay kasabay nito ang pagpasok sa studio suot ang yellow at berding Jersey. Kasunod neto ang coach niya at iba pang supporter.

Seryoso at wala akong makitang emotion sa mukha nya.
Nagkatinginan kami at tumagal iyon ng ilang segundo bago ako tinawag ni Coach.

"Kai?" Aniya saka may kinuha sa likuran at pagharap ay binigay sakin na Racket, nanlaki ang mga mata ko dahil ito yong ginamit ko nong college pa lamang, hindi na ako nagdalawang isip na kinuha.

"Tinago ko dahil alam kong dadating ang oras na kailangan mo 'yan" wika ni coach.

Binigyan ko sya ng positibong mukha bilang pasasalamat.

Nakita na namin na pumagitna na ang referee sinyales na magsisimula na ang laro.

"Good luck" narinig kong paalam ni coach bago ito umalis kasama ng iba pa sa likuran.
Sabay kaming lumapit sa net ni Nicolas at pinagbangga ang mga racket sa ilalim ng net habang nagtitigan, wala ako binigay na lenggwahe sa mukha gaya ng sa kanya.

Habang bumabalik sa position ay inilagay ko sa utak na kakalimutan ko ang nangyari at iisipin na hindi ko siya kakilala. Mas makakatulong iyon para maka focus sa laro.

Pagharap ko sa kanya ay hawak na neto ang bola na naka tutok na sakin katabi ng racket handa sa pagsisimula ng laro.

Isang malakas na shot ang binitawan nya na halos hindi ko makita ang bola. Napamura ako sa isip ng narinig ang kasunod na hiyawan nga nga nanood ta ang pag tama ng bola sa sahig. Hindi ko alam kung naninibago lang ba ako o sadyang anlaki ng pinagbago ni Nicolai pagdating sa sports.

"One, Zero" Wika ng system scorer.

Binalik ko ang tingin sa kanya at seryosong mukha lang ang nakikita mula pa kanina. Ganito ba talaga sya ka seryoso sa laro? sabagay hindi na ito college. Bansa na ang pinaglalaban namin. Huminga ako ng malalim, kung ganun ibibigay ko ang laro na gusto mo.





Elija's POV

Hindi makuha-kuha sa isip ko si Kaiden, alam kong gustong-gusto niya na mapanuod ko ang huling laro nya sa tennis pero hindi ko din dapat tanggihan ang request ng daddy nya.
Tinignan ko ang oras sa wristwatch, hindi pa ako nakakalahati sa byahe.
Pero kailangan ko pa din 'tong gawin dahil dapat maganda ang unang pagkikita namin ng dad nya, at isa pa. mukhang nakukuha ko na din naman ang tiwala nito.

Gentle Game 2: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon