Chapter 19

12 0 0
                                    

Gentle Game



Miles POV



Pagdating sa Arena kung saan kasalukuyang magpapractice si Kaiden ay umupo ako bench at sumandal sa pader.

Halos ayaw ko na ialis ang mga mata sa telepono kakahintay sa tawag ni Elijah pero lumipas lang ang mga oras ay bigo pa din ako.

"Miles" Tawag sa akin ni Bright na pagtingin ay lumalapit na ito, hindi lang ako sumagot na mabilis din inalis ang tingin dito at tumingin nalang kay Kaiden.

"Oh ba't ganyan mukha mo, ayos ka lang ba?" Dagdag niya pag-upo sa tabi ko.



Tumitingin ako taas at asul na langit ang nakita.



"Miles? gusto mo magpapawis?"

Boses naman ni Kaiden ang narinig at nakita itong papalapit habang basang basa ng pawis ang buong damit, inabot nito ang racket sa akin pero inayawan ko din agad kaya umupo na lamang ito sa isang bench doon at uminom ng tubig.



"Kai? ano nga yung Airlines na pinagtatrabahuhan ni Elijah?" Wika ni Bright na tumitingin sa telepono.



"Canada Airways bakit?" Sagot nito at lumapit pa.



"May live kasi dito sa Facebook, may nagaganap daw na hostage sa loob ng eroplano?"



"Ha?" Gulat ni Kaiden na hinawakan pa ang telepono ni Bright, nakisosyo na din ako nannood. Hanggang sa narinig ang pangalan ni Nash at pag pop-up ng Picture ni screen.

"Miles!!!!" Banggit ni Kaiden.



"Damn!!!!" Tumalon na ako sa kinauupuan at lumabas ng arena. Naririnig ko pa ang sigaw ni Kaiden pero hindi ko na ito pinansin at pinaadar na kagaad motor at pinaharurot sa pinaka mabilis at hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko pero nakakalusot ako sa pagitan ng mga kotse at mga naglalakihang truck sa kalsada. Pagdating sa Airport ay puno ng tao at kotse ng sasakyan sa labas. Pinarada ko ang motor sa gilid at nakisiksik sa mga tao hanggang sa makarating ng Entrance na hinaharangan ng mga Police para hindi makapasok ni isang tao doon. Tumingin ako sa loob at tanaw ko ang mga eroplano doon at mga police na nagtatago sa mga pader at may mga hawak ito na mga baril.

Sinubukan kong hawiin ang kamay ng Police pero humarang na mismo ang katawan niya sa daan.

"Sir, kaibigan ko po yung Piloto sa loob ng eroplano sir, padaanin niyo po ako!" Sinubukan kong makaawa.



"Pasensya na Sir, pero hindi po talaga puwede pumasok para po ito sa safety ninyo!" Sagot nito. Naiintindihan ko naman kaya hindi na ako nagpumilit pa, pero kailangan ko parin talaga pumasok hanggang sa nabangga ako ng tao sa likuran ko at nakitang may paparating na mga tao at nasa gitna ang lalaking naka suit. Lumapit ako dito at hinintay na makadaan sa akin saka sumabay sa kanila papasok ng Airport, buti nalang at hindi ako napansin ng mga Police.

Sumama ako dito hanggang sa lumiko sila pa kanan at pa diritso sa Runaway, sumulyap ako doon at sobrang tahimik na akala mo ay walang nagaganap. Tinunton ng mata ko ang mga CCTV doon sa Airport at alam kong kahit ngayon ay nakikita nila ako.

May paparating mga Security doon na sasalubong sa ami, kaya pasimple akong lumiko patungo sa comfort room para magisip sa gagawin. Batid kong kahit saa. g sulok ng Airport ay may CCTV kaya mahihirapan akong pumunta sa Runaway.

Wala akong magagawa kundi suwayin ang mga ito, at isa pa ano mang mangyayari kay Nash ay hindi mababayaran pag sinunod ko sila. Huminga akong malalim at may kaibilisang naglakad sa hallway na pag dumaan sa harap ng CCTV ay pormal akong naglalakad para kunwari security lang doon pero napakalayo sa suot kong sport jacket at black pants at brown sneakers.



Gentle Game 2: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon