Chapter 26

9 0 0
                                    

Gentle Game





Elijah's POV



"Magandang araw po!"

Napalingon ako sa boses habang nag-aayos ng mga pagkain sa mesa. Napahinto din si Mama at lola na kasama kong nag-aayos sa pagdating nito.

Hindi ko alam kung ano ang irereact dahil napaka pormal itong tumayo sa gitna ng pinto at sa suot na suit para itong dadalo sa grammy award. Naalala ko agad ang unang dinner mo kasama ang pamilya niya, napaka pormal ko din habang siya parang nakapantulog lang.

"Yoooow!!! Kaiden, what's up my friend? it's been a long time!" Sira sa pagkatulala namin ni Nash na lumapit pa dito at nagbigay ng mabilis na yakap.



"Ikaw ba si Kaiden?" Wika ni mama at iniwan kami doon at lumapit dito.

"Hali ka pasok-pasok!" Alok nito at inalalayan pa. Hinayaan ko ito at bumalik sa ginagawa. Pero napapansin kung nagmanu pa ito kay lola hanggang sa makarating sa gilid ko at pasimple akong kinurot sa tagiliran na ikinatalon ko ng bahagya.

"Oh ingat Elijah!" Boses ni Mama. Agad ko itong tinignan ng masakit. May oras ka din mamayang tukmol ka.



"Dito ka na umupo Kaiden" Turo sa upuan sa gilid ko ni mama "Elijah dito ka sa tabi para naman hindi mailang si Kaiden at Nash dito ka din sa gilid okey?" Instruction samin ni mama "Yusuf, pakitawag nga si papa sa taas sabihin kakain na, salamat!" Utos nito dito.

"Ikaw naman Mama dito kana umupo okey" Sabay alalay dito s upuan sa harapan namin ni Kaiden.



Nang nasa hapag na ang lahat ay masaya naman kaming kumakain hanggang sa isang tanong ni Lola na ikitingin namin ni Kaiden sa isa't isa.

"Nakilala na ba ng papa mo si Elijah, ijoh?"



"Yes po, lola" sagot nito "Actually si Elijah po ang pinili ni Dad to give him a flight pa State, pati din si Momma!"



"Wait, parang may maalala ako" Singit ni mama "Yun ba yong time na nagdi-dinner tayo sa labas, Eli?, pero kailangan mong umalis kasi may dinner ka?"

Agad ako tinignan ni Kaiden, hindi niya alam ang tungkol dito. "Hmm, yun nga po"



"Sana sinabi mo na sina Kaiden pala iyon, edi sana nag one big family dinner nalang tayo" Masayang wika nito.



"Hindi nama—"



"—Soon, Tita!" Putol niya sa akin. "Matutuloy din yan" Dugtong niya at tumingin sa'kin "Diba Elijah?" At naramdaman ko ang paghawak nito sa kamay na nakapatong sa legs sa ilalim ng mesa.

"Ahemmm!!! wohhh!! ang init ng panahon ano?" Biglang sigaw ni Nash at ginamit pa ang damit para gawing pamaypay. "Diba ang init, Yusuf?"



Tumingin lang si Yusuf dito at ngumiti ng bahagya.





"Nga pala Yusuf, nasaan si Chanel? bakit parang nanapansin ko, napaka busya niya?" Pagiiba ni mama sa usapan.





"Nagpaalam, may cheerdance practice daw sila" Sagot naman ng isa.



"Naku bantayan mo yang kaibigan mo Yusuf, ayoko dumating sa point na magdududa na ako!"



"Opo tita!" Medyo mahinang sagot ng isa. Mabilis naman nakuha ng paningin ko ang bahagyang pagtingin sa'kin ni Kaiden. Medyo naiilang ito sa sinabi ni Mama. Hindi na ako nagatubiling tumingin din at pinagpatuloy na lamang pagkain.















Gentle Game 2: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon