Chapter 15

6 0 0
                                    

Gentle Game



Kaiden's POV



"Handa kana?"  Lumingon ako kay Elijah matapos soutin ang hoodie jacket at nagdala ng maliit na bag para pagsidlan ng Tumblr pata sa tubig kung sakaling mauhaw.

"Ayan lang susuotin mo?"



"Bakit?" Tinignan ko din ang sarili at parang maayos naman ah, naka short tas naka hoodie jacket at naka sandal.

"Saan ba kasi tayo pupunta?"



"Mag-ikot ikot sa farm wala din naman tayo gagawin dito" Aniya.



"May gusto sana akong gagawin sayo pero ayaw mo eh" Seryoso kong sagot at nagbigay na ako ng clue sa ibig sabihin ng tinignan ang gitna ng jogging pants niyang medyo bumubokol.



"Gago!!" Mura ni Elijah saka naunang umalis "Tara na nga, dami mong naiisip"





Pagdating sa kotse ay mabilis niyang pinaandar at umalis doon sa bahay.

"Puwede din naman pala mag kotse papunta doon bakit di mo nalang hinatid lolo't lola mo kanina?" Wika ko.



"Ayaw nila eh exercise na din daw"



Napatingin ako sa malapad na taniman ng palay at mga taong naglilinid doon.



"Ang ganda, simple lang ang mga tao, makita lang nila na maayos ang mga pananim, masaya na!" Banggit ko.



Ilang minuto ang byahe at nakarating kami sa rough road na medyo paakyat na daan, medyo umuoga na din ang kotse pero parang walang pakialam si Elijah.

"Hoy, kotse tong minamaneho mo ha? hindi eroplano" Babala ko dito pero tuloy-tuloy lang sa pagmamaneho napa hawak ako sa pinto ng kotse at ang isa sa taas kahit nala seat belt.

"Lalakarin nalang kaya natin? malayo pa ba?"



"Medyo!" Aniya.



Pagdating sa patag ay pumayag na din siyang iwanan doon ang kotse at lalakarin na lang. Pagbaba ay mainit na sinag ng araw mg dumampi sa mukha ko pero binabawi ng maginaw na hangin.



"Tara!?" Alok nito matapos isarado ang pinto at nilagay sa bulsa ang susi.

Sumunod naman ako dito at hindi ko akalain na ganun iyon kalayo, ganito din ba kalayo ang nilalakad ng lolo't lola niya araw-araw? eh parang pagdating mo doon ay wala kanang gana magtrabaho kasi pagod kana sa paglalakad.

"Dito din ba dumadaan lolo't lola mo?" Tanong ko sa pagitan ng paghinga.



"Nope, may short cut kasi doon pero kotse kaya kailangan natin dito dumaan"



Napahawak ako sa puno sa gilid at kinuha ang tumblr para makinom ng tubig.





Ilang minuto pa muli ang nilakad namin at nangangalay na paa ko sa paglalakad, sobra pa ito sa training namin sa tennis.



"We're here!" Narinig kong wika niya paglabas sa mga puno, sununod ako doon at napanganga ako sa lawak ng lupa ang nakita ko. Naka parti iyon sa kuwadrado at berding dahon ng pinya ang  bumungad.



"Oy Eli ikaw naba iyan?"  Wika ng paparating na matandang babae suot ng buring sombrero at may kalumaan na jacket at pantalon ang suot may gwantes din ito sa kamay.



"Magandang umaga po manang Seta!" Bati di Eli dito at ngumiti.



"Naku, ikaw nga, kumusta kana? rinig ko piloto kana daw? naku sobrang yaman niyo na pala"



Gentle Game 2: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon