Chapter 20

2 0 0
                                    

Gentle Game





"Ano bang problema niyo, ba't hindi pa din binababa ang Piloto?"



"We have little problem with Captain Nash" Napatingin si Miles sa nagsalita. "Sorry, sir, kung ano man ang relation mo sa piloto, we don't allow you to near at him. Instead just wait outside the Airport untill everything is fine!"



Agad na siyang hinawakan ng dalawang air force sa dalawang kamay at hinatak palayo sa eroplano.

Pilit pang lumaban ni Miles pero masyadong malakas ang nakahawak sa kanya hanggang sa sinabayan ito ni Elijah na binitawan naman ng humahawak at ito na ang umalalay.



"Ano bang nangyayari dito Eli?"





"Attention please, this is the head security of Air Canada Airlines, please get out from the terminal stations. As well as stay away from heavy objects or fragile ones. This command is for individuals safety. Again, stay away from heavy objects that could fall or break during explotion. Thank you!"





Napatingin sa kaibigan si Miles, may kaba at gulat sa pumasok sa isip matapos ang announcement.



"Yes Miles" Wika ni Elijah "May ikinabit na bomba sa katawan ni Nash"



Hindi agad nakapag salita si Miles kahit ang paggalaw ay hindi nagawa, patuloy lang itong nakatingin kay Elijah hanggang sa lumabas ang luha sa mga mata.



"Hindi" Mahinang wika nito "Hindiii!" pagpatuloy ni Miles hanggang sa napa upo na lang sa seminto papasok ng terminal.



"Sir!" Wika ng mga security sa kanila. Agad na tinululongan ni Elijah ang kaibigan patayo at inalalayan makalabas ng terminal.







Pagpasok ng flight deck tinululongan ng isang special force si Nash na makalabas at doon naghihintay naman ang kasama na nagpatuloy sa pagalalay pababa ng eroplano.

Bumungad ang nakakasilaw na liwanag kay Nash at walang nakitang tao sa paligid.



Ilang sandali ay dumating ang Mountain Marauder at may sakay na lalaking naka bomb suit at bitbit ang kit. Agad na umalis sa tabi niya ang umalalay na special force na sumakay sa dumating na sasakyan at umalis. Tigang at mainit na sinag na araw ang bumabalot sa kanilang dalawa doon, walang hangin pero nagsisimula ng manigas ang dugo sa na umaagos sa ulo ni Nash na ang iba ay naghahalo na sa pawis at luha niya. Parang manhid na ito pero patuloy ang mahinang pagnginig.



"Hows your life, Captain?" Wika ng bomb tech sa kanya.



"I should say life is short" Mabilis na wika ni Nash.



Lumapit na dito ang bomb tech at binuksan ang vest sa katawan niya.

"Shit!"



"Report please!" Wika ng Head ng security sa earpiece ng bomb tech.



"I'm not sure if I can do this sir, the maker is genius, seems they know how to play minds!"



"Just do your best, if things goes south, you know what to do!"





"Thank you, sir!"  Paalam ng bomb tech at sinundan ng pag putol ng linya sa pagitan ng head ng security. Tumingin ito kay Nash. Ganun pa din ang  mukha nito.













Yusuf's POV



Nilinisan ko ang sarili bago lumbas ng  barbershop. Ang gaan ng pakiramdam ko na para bang sumama sa mga buhok ko ang problema.



Gentle Game 2: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon