Chapter 12

6 0 0
                                    

Gentle Game



Elijah's POV


"Ma alis na ako!" Humalik ako dito at kinuha ang military tacktecal bag.

"Sige, mag-iingat ka"

"Opo" sagot ko at pumasok ng kotse at pinaandar, naghihintay naman si Zadie sa gate na siyang nagbukas, bomosena nalang ako dito pagdaan at pinaharurot ng mabilis ang kotse.



Hindi paman nakarating ng condo ni Kaiden ay nakita ko na itong naka upo sa labas ng gate at gilid ang malaking handy bag, tumingin ito sakin at nakita kong may suot pa itong sunglasses. Tinigil ko ang kotse sa harapan niya at binaba ang salamin ng bintana.

Magandang ngiti ang binigay ko sa kanya, lalo pa't napopogian ako sa suot niyang Loosing white Tshirt at grey na short, pinarisan naman niya ito ng dark coffee brown sandals. Na paka gara niya tignan lalo na lumalabas ang kataasan ng ilong sa pagitan ng sunglasses na para bang sarap kagatin.



Agad din gumuhit sa mapupulang labi niya ang ngiti pero kunot ang nuo. "What?"



"Nothing, just, just you look handsome today!" complement ko at inabot ang kabilang pinto para makapasok. Inuna niyang pinasok ang handy bag na inilagay ko naman sa likuran at ng maka upo na siya ay muli akong tumingin sa kanya.



"Handa ka na?"

Tumango lang ito sabay tingin ng mabilis. Mabilis ko naman pinaandar at umalis doon.



Nang malagpasan namin ang isang malaki at huling building ng syudad ay bumungad ang nakaksilaw na sikat ng araw at malalawak na damuhan, umiba na din ang simoy ng hangin.



"Ahhh sarap!!" aniya na binuksan na pala nito ang bintana sa gilid.

Ngumiti lang ako ng makitang  hinahaplos ng hangin ang buong mukha at pinapasayaw ang buhok na may kahabaan sa taas.

"Nga pala, mahirap ba mag maneho ng eroplano?"



"Hmm hindi naman, umm parang motorsiklo lang din"



"Pag ako ba magiging pasahero mo, libre ba ticket ko?"

Napangisi ako sa kanya at sumulyap ng tingin.

"Piloto ako kumag, hindi Airlines staff. Wala akong kaalam-alam kong may ticket or passport yung pasahero ko no!"



"Ibig sabihin mapapagastos din pala ako. Pero what if sasabihin ko boyfriend ko yung piloto? sa tingin mo bibigyan nila ako ng discounts?"



Mas lumakas ang ngisi ko sa kanya sa mga ano-anong naiisip "Lapit ka nga dito!" Utos ko.



"Bakit?" Aniya sa seryosong mukha.



"Basta lapit ka, mabilis lang 'to!"



"Yoko nga malay ko bang babatokan mo pala ako!" Dumistansya pa eh para namang maaabot ko dahil nakahawak sa manubela ang dalawang kamay.



"Babatokan talaga kita pag hindi ka lalapit!" Bilin ko.



Dahan-dahan naman niyang inilapit ang mukha. Tumingin muna ako sa daan para tignan kung may makakasalubong ba kaming kotse pero maaliwalas sa oras na iyon kaya inilapit ko din ang mukha sa kanya at dinikit ang labi sa labi niya at bumalik sa maayos na upo.



"Para yan sa mga walang kwentang naiisip mo" Dagdag ko sa ginawa.



"Sana pala dinamihan kopa ang inisip" Aniya at ngumiti sa akin. Aba ay nagustohan.



Gentle Game 2: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon