Chapter 29

2 0 0
                                    

Gentle Game 2




Kaiden's POV

"You did it!!" Narinig kong boses ni Coach Dean na papalapit sakin at tinulongan akong makatayo "I told you na magagawa mo!!"

"Ako nanalo?" walang ediyang tanong ko. Wala pa din akong ka edi-ediya, dahil sa pagod at hapdi ng ibang parti ng katawan ko ay hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid, kahit ang malakas na hiyawan ng mga tao ay until-unting nawawala at sinabayan ng pagdilim ng paningin.






Nagising ako sa mahinang ingay ng taong nag-uusap pero hindi ko alam kung saan ito nanggagaling, dahan-dahan kong binuksan ang mga mata at may nakita akong nakakabit na sa kanang kamay ko at nakahiga na ako sa kama at may puting kumot.

"You're awake!" Mahinang boses ni mama ang nagpatingin sakin sa gilid ng kama kung saan ito naka upo. "How's your feeling? hindi kana ba nahihilo? ang dibdib mo sumisikip ba?" pagpatuloy nyang tanong, pero wala akong nasagot kundi medyo umahon ng kunti sa pagkahiga para maka sandal sa pader.

"Oh easy, hindi kapa pwede masyado gumalaw, without the permission of the doctor"


"Ano nangyari?" tanong ko, hindi padin kasi gumagana ang utak ko kahit anong pilit ko alalahanin.

"Nahimatay ka after ng laro mo, good thing nakahanda agad ang ambulansya and nadala ka sa hospital, the doctor says agad na bumaba ang blood sugar mo dahil sa pagod sa laro" Explain ni mama.



"Ilang araw na akong nakatulog?"


"Just one night Kaiden, actually nandito sina Bright at Coach Dean, sila ang nagbantay sayo buong gabi while wala ako, and now sila din ang bumili ng breakfast for us!"


"Oh brooo!!! you're awake!!!" malakas na boses ni Willbright na agad nilagay sa mesa ang bitbit na mga pagkain at lumapit sakin. Napangiti ako dito.
"Wow, garabi ang galing mo kahapon, kahit hirap kana bumangon lumalaban ka padin, tama ako wala talagang binatbat si Nicolai sayo!!"

"Hello ma'am, I've got some fruits here, rich of sugar para naman makabawi agad ng lakas 'tong si Kaiden" Wika naman ni Coach Dean na kakapasok lang ng silid, lumapit din ito sakin after ilagay ang dala sa mesa. "Im happy you're awake Kaiden, especially pagkapanalo mo kahapon, So proud of you!" Aniya.


"Oh sya magkwentohan mo na kayo dyan at ako naman ang maghahanda ng dala niyong pagkain para makakain na tayo" Ani ni mama at umalis doon at si Bright ang pumalit sa pwesto.

Agad pumasok sa isipan ko si Nicolas, kung ano na nangyari sa kanya, balak ko sanang magtanong sa kanya sa dalawang ito pero pinapaliban ko nalang, kahit papano ay concern din ako sa kumag na yon.













Dax POV




Pagpasok ng village ay agad ako kinabahan kaya pinatigil ko na lamang ang taxi sa gilid at balak na lang na lakarin patungo da bahay nila. Maraming nagbago sa village pero tanda ko pa naman kung saan ang daan patungo sa kanila.
Dahan-dahan lang ako naglalakad at ilang minuto pa ay tanaw ko na ang bahay nila. Medyo nag-iba na ito dahil medyo lumaki at may mga nerenovate na parti dumami din ang halaman sa labas at sa likorang parti ng bahay.

Bumontong hininga ako at dumiritso doon pagdating sa pinto ay agad ako nag doorbell. Kinakabahan ako sa hindi alam na dahilan. Ilang sandali ay bumukas yung pinto, dalagang babae ang bumungad.

"Hi magandang hapon, nandito ba si Eli?" pormal ko na tanong.

"Wala, nasa trabaho, sino sila?" Aniya sa diritsong sabi.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gentle Game 2: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon