Chapter 7

9 1 3
                                    

Gentle Game




Kaiden's POV

"Mom? puwede naman ako hindi sumama eh!"


"What? no, you should be there Kaiden, at isa pa minsan lang umuwi ang dad mo, pagbigyan muna siya!

Huminga ako ng malalim. Mahirap talaga mag rason sa ina.

"Handa muna ang sarili okey? aalis tayo in 20 minutes"


Iniwan ko na si mama sa kwarto niya habang naga ayos ng damit sa harapan ng malaking salamin. Dumiritso na ako sa kwarto para ihanda ang sarili.

Suot ng puting t-shirt sinoutan ko ng sky blue a long sleeves na hinayaan ko lang na hindi isara ang gitna at tinupi ang sleeves hanggang siko at pinarisan ng gray na jeans at sapatos.


"Kai? let's go?"

Napalingon ako sa pinto pagsilip ni mama na agad din umalis.

Dumaan ako sa salamin para bahagyang inayos ang buhok pero mas lalong gumulo kaya hinayaan ko nalang. Bahala na.

Pagbaba ng bahay ay nasa sala si mama na agad napansin ko ang pang korean style niyang outfit pero natatawa ako dahil parang kontrabida ang napili niyang sundin.

"Tara!" Alok ko na inalalayan siyang maglakad na paglabas ng gate ay nagbabantay naman si Dad sakay ng kotse, sa unahan si mom at syempre ako sa likuran.

"Ba't ganyan ang suot mo Kaiden? diba may bibili akong mga suit sa'yo?" Agad na saad ni dad. Gusto ko sana tumawa pero pinigilan ko bilang respeto kay dad.


"Haayan mo na, nagdi-dinner lang naman tayo hindi magme-meeting"

Tanggol sa akin ni mom, umiling-iling si dad at umayos ng upo para paandarin ang kotse.


Pagdaan sa malaking signboard ng Restaurant ay lumiko si dad patungong parking area, nauna itong bumaba at pinagbuksan si mama. Pagbaba ay sabay kaming tatlo na nagtungo sa Entrance ng restaurant may dalawang guard ang nagbukas sa amin ng pinto at bumungad ang malawak na silid at mag pabilog na mga mesa at mga mayayamang kumain, mapapansin mo ito sa galaw.


"Mr. Perez?" Banggit ng sumalubong na waiter sa amin at hindi ko alam kung ano ang sinagot ni dad narinig ko nalang ang dinagdag ng waiter "This way sir!"

Diniritso namin ang malaking daan sa gitna at inakyat ang sampung hakbang na hagdan at ganun pa din ang mga mesa pero mas gumanda dahil nasa itaas at kita ang lahat na nasa baba. Pagliko sa kanan ay may tinuro ang waiter na mesa.

"Thank you!" Wika ni mom at dad.


"You're welcome sir, should I call a waiter to get your order or what?"


"No no thank you, we're waiting for someone"


"Okey sir, just give me a hand, excuse me!" Umalis na ito at naiwan kaming naka-upo tatlo doon kaharap ko si mom at napapagitnaan namin si dad, at syempre ang huli ng upuan sa harapan ni dad at gilid ko ay para kay Elijah.

Nipansin kong nilagay ni dad ang telepono sa tenga at sinundan ng hello sa kausap. Batid kong si Elijah ito.












Elijah's POV


"Okey sir, I'm on my way!"


"Oh aalis kana?" Tanong sa akin ni mama pagbaba ko ng telepono.


"Oo ma eh, pasensiya na trabaho!" Sagot ko.


"Family time ngayon Eli, wala bang pamilya yang sir mo?" Singit ni Chanel.


Gentle Game 2: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon