Chapter 17

4 0 0
                                    

Gentle Game




Miles POV

Napa-upo ako sa couch sa ilang tawag na hindi sinasagot ni Nash. Ilang araw na hindi ito nagpaparamdam hindi din nakikita ni kahit anino sa mga lugar kung saan palagi ko itong nakikita.
Naisipan kong pumunta sa kanila Elijah.

"Hindi eh!"

Mas kumunot ang nuo ko sa sinagot ni Elijah.

"Kailan mo siyang huling naka-usap?"


"Last week pa, pero wala naman akong alam pupuntahan iyon eh" paliwanag niya "Napuntahan mo na ba sa bahay nila?"


"Hindi pa"


"Subukan mo kaya baka nandoon lang iyon"


"Sige" Sang-ayon ko at muling pinaandar ang motorbike at sinuot ang helmet.


"Balitaan mo nalang ako okey?"


"Sige, mauna na ako" Paalam mo at mabilis na pinaikot ang motorbike at tinungo ang bahay ni Nash.




Pagdating sa bahay nila ay nadatnan ko namang naglilinis ng bakuran ang ina. Hinubad ko ang helmet at lumapit dito.


"Magandang umaga po ma'am!" Mabilis naman nitong nakuha ang attention.


"Oh ikaw pala, Miles diba?"


"Opo, matananong ko lang po kung nandito ba si Nash?"  Lakas loob kung tanong.


"Wala eh, pero umuwi dito nong isang araw kinuha yung uniporme kasi daw may inuutos ang Airlines sa kanya, subukan monh itanong sa kaibigan niyang ei Elijah nandiyan lang ang bahay sa dulo!"


"Doon na po ako galing ma'am, wala din eh!"


Napaisip maman ang ina sa tinuran  ko.


"Hindi niya po ba nabanggit kung saan ang inutos sa kanya ma'am?"


"Hindi eh pero..... may nabanggit siyang grupo nagtuturo ng libre sa mga bata sa plasa, pero hindi ko alam kung nasaan eh pero nabanggit  nya, try mo doon baka alam nila at isa pa, alam mo naman ni Nash kung ano ang naiisip gawin!" May ngiti nitong sabi.


Hindi na din ako nagtanong pa lalo sa ina nang umiba ang kutob ko sa kanya, pero umaasa ako sa sinabi ni tita na nandoon siya. Sana naman walang may mangyaring masama sayo Nash, pasaway kapa naman.


Tinawagan ko muna si Elijah pagbalik ng motorbike.  "Wala din bro eh, pero may nabanggit na grupo daw na nagtuturo ng libre sa mga bata sa plasa"




"Sige, sasama ako kita nalang tayo sa plasa!" aniya, mabilis ko pinutol ang linya at mabilis na pinahurot doon ang motorbike.

Hindi naman kalayuan ito at sampung minuto lang ang pinakamabilis na pagpatakbo at 20 minutes naman pag regular speed.  Tumigil muna ako sa parking area ng plasa kung saan doon lahat naka parke ang sasakyan para malinis tignan doon  at para hintayin si Eli na walang dalawang minuto ay tumigil ito sa gilid ko sakay ng kotse nila. Pagbaba ay bumaba na din ako.


"May idea ka?" Wika ko habang umiikot ang tingin.


"Wala eh, subukan natin magtanong!" Aniya at lumapit sa pinakamalapit na food stall doon at nagtanong.


"Kuya, may alam ka bang grupo na nagtuturo ng mga bata dito?"


"Opo sir, doon sa dulo yung makulay na Building diyan po sila nagtuturo" Mabilis na sagot ng nagtitinda na sinundan pa namin ang turo nito at mabilis nakita ang sinabi.

Gentle Game 2: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon