Chapter 10

6 1 8
                                    

Gentle Game


Habang tumitingin-tingin sa feed ng social media niya ay bumungad ang litrato ng dalawang lalaki na masayang nakangiti habang naka uniporme ito piloto.

Bahagya gumuhit sa labi niya ang isang ngiti.

"They did!" Mahina niyang wika at pinatay ang telepono at sinilid sa bulsa, tumayo at kinuha ang suit sa upuan at lumabas ng pinto ng silid kung saan naroon.


"Good morning sir!" Bati ng mga nadadanaanan niyang mga trabahanti doon.


Pagdating sa lobby ng building ay tumunog ang telepono sa bulsa, kinuha ito at sinagot.

"Hello"


"I already have your ticket, are you sure abot this?"


Napatigil siya sa paglalakad. "Yes, thank you tita!" At mabilis na pinatay at muling sinilid sa bulsa saka pinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa makalabas ng Building.










Yusuf's POV

"Bakit kaninong jacket naman yan?"


"Hindi ko alam okey? hindi ko naman kasi natanong ang pangalan!" Sagot ko kay Chanel habang sabay na naglalakad mula sa dormitory patungo sa bar kung saan sinabi ng lalaking iyon na doon ko isusuli ang jacket.

At mabilis kaming nakarating doon dahil nanahimik na si Chanel. Pagtingin sa loob ay kaunti pa lang ang tao sa loon at may lalaking tumutogtog ng guitara sa kaatasang stage.

"Oh ano sisilip nalang ba tayo dito?" narinig kong saad ni Chanel sa likuran na nakisilip din.


"Mukhang wala pa siya eh!" Ani ko saka umayos ng tayo.


Bumuntong hininga si Chanel bago pumasok sa loob.

"Pogi" tawag niya sa paalis na sanang waiter pagkatapos magbigay ng order, agad naman itong nagbigay attention sa kanya.

"Bakit po ma'am?"


Lumingon siya sakin, wala akong magawa kundi lumapit.

"Umm, kilala mo ba ang may ari nitong jacket?" sabay pakita.


"Ah yeah, kay Jasper ho 'yan!" Masigla nitong sagot.


"Nandito ba siya, isusuli ko sana"


"Naku, mamayang 7 pa ang schedule niya dito sir"


"Ganun ba"


"Pero kung gusto niyo po ako nalang po magbabalik, hanggang 11 pa naman po ako dito"


"Ayan naman pala, bigay mo na" Singit ni Chanel na para bang nagmamadali.


"Sige, paki nalang okey? tas sabihin mo galing doon sa tinutulungan niya ng isang gabi" Inabot ko sa waiter ang jacket na kinuha naman.


"No problem sir, sige ho mauna na ako baka hinahanap na ako sa likod" Agad itong umalis.


"Tara na!" Yaya agad sa akin ni Chanel na nauna ng lumabas, sumunod na din ako at sabay na bumalik ng dorm.










Jasper's POV


Habang sinisilid ang guitara sa lalagyan ay nakarinig ako ng katok sa pinto, pagbukas ay dumungaw ang isang waiter ng bar.

"Bakit?" Matipid kong wika. Pero may inabot lang itong bagay.


"Hinahanap ka isang lalaki kanina, gusto daw isauli sayo pero sabi ko 7 pa schedule mo kaya ako na magbigay" Mahaba niyang sabi.


Gentle Game 2: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon