Chapter 8

15 1 5
                                    

Gentle Game


Yusuf's POV

Isang araw na naman ang nakalipas pero parang kakagising ko lang ngayon ay matutulog na naman ulit. Lumapit ako sa salamin at tinignan ang mukha at tinitigan mabuti bago bumuntong hininga para i-motivate ang sarili, hindi puwedeng matigil ang buhay ko dahil sa ginawa ni Athena, kahit hindi pa nila alam ni Chanel at Lawrence alam ko naman na tama ang sasabihin nila, pero hindi ko alam kung baka ano magawa ni Chanel pag malaman niya.

Inabot ako ang tuwalya sa gilid saka pumasok ng CR para maligo.


Pagkatapos nito ay nagbihis at umupo sa kama, madilim na sa labas pero parang gusto kong maglakad-lakad, kinuha ko ang jacket sa nakasabit sa pader at lumabas ng kwarto.

Pagbaba ng dormitory  madilim na kalsada ang bumungad na pinapailawan lang ng mga streetlights, meron pa naman naglalakad pero hindi na ganun kadami.

Tumingin ako sa magkabilaang daan bago kinuha ang kaliwang kalsada.










Elijah's POV

"Thank you Captain!"

Sumaludo na din ako sa Officer na naunang sumaludo sa akin bago tumalikod. Kakabalik ko lang galing US para ihatid ang dad ni Kaiden, hindi na ako nag-abalang doon na mag stay dahil hindi pa naman nito batid kung kailan siya makakauwi.

Tumingin ako sa wristwatch, baghagya kong inayos dahil nagbabago ang galaw nito sa tuwing magtatravel ako sa magkaibang oras. 9:50 PM, maaga pa kaya umupo muna ako sa bench sa gilid ng daan.


"Captain?" Napalingon ako sa van na tumigil sa gilid ko at nakita ang pagbukas ng isang staff ng Airport kung saan ito ang naghahatid ng mga piloto sa hotel kung saan ito magpapahinga.


"No thank you, I'm waiting for someone!" Tanggi ko, mabilis naman itong umalis at hindi nagpumilit pa.


Agad naman may tumigil na kotse sa harapan ko, kumunot naman ang noo kung sino ito. Dahan-dahan bumaba ang salamin sa bintana at hindi ko inaasahan ang magpakita.

"Good evening Captain!"


"Ano ginagawa mo dito?" Wika ko na hindi padin gumagalaw sa kinauupuan.


"Sinusundo ka"


"Paano mo naman nalaman na ngayon ang dating ko?"


"Nagresearch ako!"


Na pangiti ako sa sinagot niya, pilyong kumag ito.


"Dali na, alam ko pagod ka!"

Hindi na ako rumason sa pagbaba niya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto at ito naman ang sumakay.

"Diba ito yung kotse mo ng college?"


"Yups, seat belt please!"  Suhestyon niya, dali ko naman sinunod. Napatingin ako kay Kaiden habang pinaandar ang sinasakyan. Ito pala ang pangalawang pagkakataon na sumakay ako sa sasakyan niya. Ang una ay iyong sinabi ko dito na kailangan ko siyang ligawan. Natatawa ako sa katarantadohan ko.


"Ayos ka lang?"

Agad ako umayos ng tingin at pinigilan ang sarili na tumawa. Tumango ako.

Kumambyo na ito saka pinatakbo ang kotse. Ilang minuto ay hindi ko na batid ang dinadaanan namin, alam kong hindi iyon daan pauwi, pero imbes na mag-alala ay umupo pa ako ng maayos at bahagyang sinandal ang ulo.

"Sige nga saan mo naman ako balak patulugin ngayong gabi?" Tanong ko. Bahagya siyang umiling at ngumisi lang.


Pagliko ng kotse ay bumungad ang damuhan at mga puno, at bago paman magtanong ay tumigil kami sa harap ng kalakihang gate at bahay sa likuran.

Gentle Game 2: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon