Chapter 9

12 1 4
                                    

Gentle Game

"Gusto mo ba makita?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi lalo pa't hinawakan niya ang tuwalya at hinablot agad naman ako tumalikod.

Pero tawa ang sunod na narinig ko kaya agad din humarap at nakitang may boxer short pala itong suot. Walang hiya.

"Asos Elijah Nofuente" Aniya at bumalik sa paghanap ng damit "Nahihiya pa eh parang hindi mo to nakita noon" dagdag nito at naalala ko ang nangyari sa bahay nila ni Kaya. Pero hindi iyon klaro dahil naunahan ako ng kaba.

"Maligo kana!" Utos niya sa akin habang nagsusuot ng t-shirt at dumiritso palabas ng kwarto.

Huminga nalang ako ng malalim at napasandal sa pinto ng cr.




Nakatuwalya akong lumabas ng cr habang punas ang ulo ng panloob ko na damit na hinubad sa loob ng cr.

Nakita ko ang uniporme kong  nasa ibabaw ng kama at naisipan kumuha ng hanger para kahit hindi malabhan atleast hindi bumaho pa at nasanay na din sa state tuwing huhubarin ito.

Inikot ko ang tingin sa loob ng silid at wala akong mahanap na hanger doon bumalik ako sa cr pero wala din kahit sa lalagyan niya ng mga maduming damit, binuksan ang malaking kabinet at may nakita nga ako doon pero may mga suit namang nakalagay at wala ni isang puweding gamitin kaya sinirado ko nalang muli at huminga ng malalim. Masyadong maayos itong kumag, at wala ni isang hanger na gamitin.

Naisip kong bumaba muna para magtanong kaya binalik ko sa kama ang bitbit na uniporme at lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan.

"Kaiden? meron ka ba---" natigilan ako sa pagsasalita ng may napansing may kausap pala si Kaiden na lalaki, agad ako umatras pa akyat pero nakuha ko na ang attention niya pati si Kaiden na ngayon nakalingon na sa akin.









Kaiden's POV

Hindi ko makuha-kuha ang ngiti sa labi tuwing naalala ko ang mukha ni Elijah kanina. Akala niya siguro wala pa akong suot na boxer short, well plano ko naman sana ipakita pero baka ma bigla ito kahit na nakita na niya ito noon pero hindi iyon sinasadya at batid kong iyon ang dahilan kung bakit titig na titig siya kanina.

Nag luto ako ng medium dinner para sa amin dalawa, Sheet Pan Honey Mustard Chicken & Vegetables lang at dinagdagan ko ng Lime Beef and Basil Stir Fry pero dalawang slice pa lang ng beef ang nalagay sa frying pan ay nakarinig ako ng doorbell sa pinto kaya hininaan muna ang apoy at hinubad ang suot ma gloves para buksan at agad bumungad ang ingay ng malakas na ulan.

"Hello, my friend!"

"Bright?" Pagtataka ko pero ngumiti lang siya sa akin. "Bakit ka nandito? anong oras na"

"Hindi mo ba ako papasukin?" Aniya kaya nagbigay ako ng daan sa pinto at hinintay siyang itiklop ang bitbit na payong at nilagay sa gilid ng pader saka pumasok ng sinirado ko naman pabalik ang pinto.

"Oh ano ba kailangan mo?" Tanong habang naglalakad pabalik ng kusina.

"The head wants you to play on Summer Games Tennis Tournament"

Napahinto ako sa sinabi niya at agad hinarap "Ano sinabi mo?"

"Hindi mo narinig?"

"Abay pilosopo!" Bulyaw ko at hindi ako nagpakita ng sinyalis na nagbibiro.

"Biro lang, ang head, gusto nilang ikaw maglaro sa Summer Games Tennis Tournament"

"Ayoko!" Mabilis kung sagot.

"A----"

"Kaiden? meron ka ba---" Naputol ang pagsasalita ni Bright sa sigaw sa taas, agad ako naplingon sa mukha ni Bright habang nakatitig dito.

Gentle Game 2: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon