Chapter 6

12 1 3
                                    

Gentle Game




Nash POV

"Oh!?"

"Ano 'to?"

"Ano ba sa tingin mo?"

Tinitigang kong mabuti ang papel na binigay at listahan ito ng mga bibilhin sa grocery.

"Ma? seryoso? bakit ako?"


"Wag na magreklamo, bilis na!" Dikta ni mama at agad ako iniwan sa sala. Wala naman ako magagawa at baka mawalan ako ng bahay ng wala sa oras.


Pagbaba ng taxi bitbit ang pink na basket ay humarap ako sa malaking Department store kung saan wala akong nakikitang lalaki at puro babae ang labas pasok sa pinto. Buhay nga naman, huminga akong malalim saka kumuha ng hakbang.


"Good morning sir!" May nakakakatawang bati ng Security guard sa pinto, hindi ko nalang pinansin at tuloy-tuloy lang pero mas lalo akong nahiya ng halos nakaharap lahat ng mga nanay na pumipila sa counter, paharap kasi ito sa pinto ng entrance. Maling Department ba napasukan ko?


Pagkatapos bilhin lahat ng nasa listahan ni mama ay para akong may inaalagaang sampung anak sa dami ng bitbit, dapat pala tatlong basket ang dinala ko, pahamak naman si mama oh.


"Taxi!??" Para ko sa papadaang taxi pero hindi ako hinintuan, pumara pa ako sa sumusunod pero naunahan naman ako ng isang babae. Pinigilan ko lang ang sarili na magalit. Kahit na hindi ko deserve ang ganitong sitwasyon, nakapagtapos naman ako ng pag-aaral at ngayon isa ng Captain ng International Airport pero heto ako ngayon basa ng pawis ang mukha at leeg at kahit ang pagkamot sa balikat ay hindi ko magawa.

Pumikit ako sandali para ikalma ang sarili at sinabayan ng paghinga nang pagdilat ay bumungad sa akin si Miles sakay ng motorbike. Hawak na nito ang helmet at nakatingin sa akin.

"Ayos ka lang?" Aniya.


Agad ako umayos ng ulo at tumango. "Yups!"


"Seryoso ka?" Tanong pa nito saka tinignan ang mga bitbit, agad naman akong umasta na hindi nahihirapan, pero sa totoo lang parang bibigay na ang kamay ko sa pangangalay "Dami mo naman ata pinamili?"


"Ah padala ni mama, alam muna? wala din ginagawa sa bahay kaya boluntaryong nang grocery"


"Pauwi kana ba? tara hatid kita!" Nagulat ako sa sinabo nito.


"Seryoso ka? diyan ako sasakay eh ang dami kong dala!"


Tumawa ito at inayos ng tayo ng motorbike "Ano ka ba, magagawan naman ng paraan 'yan"


"Huwag na oy, magtataxi na lang ako" Tanggi ko at naghanap ng taxi.


"Huwag na choosy hali ka aki na ang isang supot" Aniya at inilapit ang dalawang kamay para abutin ang hinihinging dala ko. Seryoso ba' to?

Tinignan ko lang siya.

"Bilis na, akin na!"


"Bahala ka!" Agad ko inabot ang isang supot sa kanya, at mabilis niya inalagay ito sa harapan na nakasandal sa tiyan at sakto naman na nandoon ang dalawa niyang paa para susuporta sa pagkalaglag. Tumingin siya sa akin.


"Sakay ka na!"


"Matagal kana bang nagmomotor?" Husisa ko pa. Matagal din kaming hindi nagkita.


Nagkibit balikat si Miles "Ba't hindi mo subukan!"


Hindi ako kumbinsidong lumapit sa likuran niya at sumakay habang akay padin ang isang supot sa kabilang kamay at bitbit ang basket.

Gentle Game 2: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon