Chapter 21

4 0 0
                                    

Gentle Game





Elijah's POV



"Seryoso ka bang ikaw muna magbabantay?"  Wika sa akin ng ina ni Nash na kasalukuyan kami ngayong nasa labas ng silid nito sa pinagdalahang ospital.

"Opo, wala din naman po ako gagawin!" Sagot ko.



"O'sige, basta pag may problema dito tawagan mo kagaad ako ha!? nga pala natawagan mo na ba ang mama mo?"



"Opo, nagsabi nga na mamayang gabi na lamang daw bibisita dito kasi daw marami gagawin sa bahay"



"Sige, mauna na ako ha? kayo muna bahala ni Miles sa anak ko, babalik agad ako!"



Ngumisi ako kay tita bago ito tumalikod at tinahak ang aisle ng ospital palabas. Mabilis naman ako bumalik sa loob at umupo sa couch na naka dikit sa pader sa bandang gilid ng kama ni Nash na may mahimbing ang tulog at may mga bandage pang nakadikit sa itaas ng ulo, kabilang pisngi at sa mga kamay dahil sa dalos ng pagsabog.

Nakuha naman ang attention ko sa balita sa tv tungkol sa aksidente, matagal na palang pinaghahanap ang mga taong iyon at nagtago ng ilang taon at si Nash pa ang nadamay para makatakas sila sa pinas. Agad ko inabot ang remote upang patayin.

Hindi ako makapaniwala na maliligtas pa siya. Agad pumasok ang Bomb Technician na umasikaso dito na parehong nagpapagaling pero hindi ko alam kung may malay na ba ito ngayon o pareho pa din kay Nash.



May katok akong narinig sa pinto at baka si Miles na ito na bumalik para bumili ng makakain namin.  Mag-aalas otso na ng umaga at mula pa kami kahapon nandito sa ospital ni Miles pero pareho kaming walang ganang umalis hangga't hindi nagkakamalay si Nash dahil sabi ng doctor ay may possibilidad na magkakatrauma ang isang tao matapos ang trahedya, sa matinding takot.

Pagbukas ay bumungad ang isang lalaking may katangkaran sa akin ng kaunti naka puting sleeves ito na naka fold hanggang siko at bitbit ang itim na suit at naka mask na itim.

"Can I see him?" Mahina niyang wika. Hindi ko alam kung sino ito pero agad ako nagbigay daan. Pagpasok ay dumiritso siya sa kama ni Nash na wala pa ding malay, nasa bandang likuran lang ako nito pero batid kong nakatitig lang ito doon.

"Seems he's fine!"  Narinig kong banggit niya at humarap sa akin.

"Take care of him okey?"



Sabay nito labas ng pinto.

"Wait!" Pigil ko dito. Lumingon siya. Hindi ako nagsalita at tinaasan lang ito ng dalawang kilay sinyales sa tanong kung sino siya.



"Axel, the one who saved him!" At tuluyan na itong lumakad palayo. At hindi ko maiwasang mapatingin dito dahil sa pag-alala niya kay Nash.





"Oh Eli? ba't ka nandito?" Bumalik ako sa sarili sa boses ni Miles na hindi man lang napansin na nasa gilid ko na. "Sino titignan mo dyan?" dagdag pa nito na tumingin sa diriksyon ng mga titig ko.



"'Yong Bomb Technician, dumaan dito tinignan si Nash!"



"Oh tapos?"



"Umalis din kaagad, ang weird nga eh kasi pinuntahan niya talaga si Nash"



"Ano ka ba, dyan lang naman ang room niya sa dulo, tama na nga 'yan hali kana at nagugutom na ako!" Nauna itong pumasok ng silid at sumunod naman ako at tumutunog na ang tiyan.

Matapos mailagay ni Miles ang mga biniling pagkain ay sabay kaming kumain sa couch habang tinignan si Nash na wala pa ding malay.

Dinaanan ko ng tingin si Miles at pansin ko ang saya sa mukha nito hindi gaya kahapon na halos hindi nito makuha-kuha ang tingin sa loob ng airport at lalo na nong sumabog. Pero heto, at kahit hindi na niya sabihin sa akin ay alam ko nang may pagtingin ito kay Nash, at iwan ko lamang sa kumag kung kaibigan kung pareho din kaming nagbago ng makilala namin itong mga kumag na ito.

Gentle Game 2: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon