Chapter 24

3 0 0
                                    

Gentle Game



"Wala?" Napakunot ng nuo si Axel sa sinabi ko.

"I mean, wala namang rason para hindi niya iyon gawin" Paliwanag ko. Totoo naman alam kung higit lang sa pagkakaibigan ang pagtingin sa akin ni Miles, pero kahit anong gawin ay hindi ko siya kayang iwasan. The atmosphere changes when he is coming or I'm with him. The vibes, the care he showed. Minsan naiisip ko din na baka katulad na din ako kay Elijah.



"Have you been in a relationship before, Nash?"



"Nope" Sagot ko agad, mula high-school hanggang college ay hanggang landi lang kaming tatlo ni Dax at Elijah.



Hindi na siya nagtanong pa at tinaas ang baso ng juice at hinubad sa isang tenga ang mask at tumagilid ng tingin at uminom. Hindi ko alam pero sinasadya ba niya talaga iyon na hindi ipakita ang mukha dahil sa paghawak ng baso ay nakatakip pa din sa pisngi at mabilis ding binalik ang mask pagbaba ng baso. Mukhang hindi ata ako magtatagumpay dito, lalo pa't nasa akin ang nilagyan ko ng pampatulog.



"Sarap ng juice nila, hindi ko alam na maganda din pala itong iparis sa steak" Aniya. Napalunok ako sa  sinabi niyang iyon, dahil sinundan iyon ng tingin na para bang inaantay ako gawin ang gusto niya.



"Mamaya na, hindi pa naman ako nauuhaw" Palusot ko. Shit pa'no ba.



"Sir, excuse me!" Wika ng waiter at napalingon siya kahit iba ang tinawag kaya mabilis kung kinuha ang baso at ilalagay sana sa tray na bitbit ng papalapit na waiter na nag order sa likuran pero parang may lahing multo ata tong kumag na mabilis binalik ang tingin sa akin, medyo natigilan pako sa gulat, pero wala akong magawa kundi uminom. Huminga ako ng malalim at mabilis na uminom at nilapag ang baso, ngumiti ako sa kanya habang nasa bibig padin ang juice at hindi ko alam kung paano iyon iluluwa. Bahala na, dahan-dahan kung nilululon ang juice hanggang sa maubos sa bunganga.



"Yeah, masarap iparis sa steak!"  wika ko. At nakita kong ngumiti ang siya at kasunod iyon ng pagbagsak ko sa sahig.



"Nash!!! Nashh!!! what happened?" Narinig ko pang sigaw niya at ang kamay niyang sinusubukan akong itayo. Pero hindi ko na maidilat ang mga mata o kahit pagbigkas ng isang letra. Effective nga talaga ang tablet ma hiningi ko.











Elijah's POV





"Eli!??"



"Po?" Sigaw ko mula sa sala na nagpapalipas oras sa paglalaro ng video games.



"Bantayan mo nga sina lola sa labas at baka dumating na"



"Ha? lola? dadalaw sila dito?"  Napatigil ako sa ginagawa at tumingin sa kusina kung nasaan si mama pero hindi naman nakikita.



"Oo, dali na at tatapusin ko pa itong niluluto kung agahan at baka gutom na mga iyon"





"Opo!" Pinatay ko muna ang TV at niligpit ang gamit bago inayos ang suot na itim na sando at nakapaa lang na lumabas ng bahay hanggang sa pagbukas ng gate.



"Oh ayan na pala si Eli!" Boses ni lola ang narinig ko at nakita silang nakatayo sa labas ng van at may lalaking hawak ng bag nila lolo. Mabilis ako lumapit at nagmano.



"Ako na po!" Wika ko sa lalaki at kinuha ang dalawang bag nina lola't lolo.



"Hindi ka pa pala nakabalik, iho?" Wika ng lalaki na kinuhanan ko ng bag.



"Opo, na extend kasi ang bakasyon dahil sa nangyari!"



"Narinig ko nga, mabuti at wala doon nong nangyari?"



Gentle Game 2: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon