Chapter 13

3 1 0
                                    

    Gentle Game

   

   

    Jasper's POV

   

    Naunang pumasok sa silid kung nasaan si Rean sina Jillion at Jaiswal. Napatigil ako sa paglalakad pagdating sa pinto ng may kabang nararamdaman, at sigurado akong hindi iyon para kay Ezreal at para kay Rean na nandito sa loob.

   

   

    Paghawak ng doorknob ay dahan-dahan kong binuksan at agad na nakahigang katawan ni Rean ang nakita na may nakakabit na oxygen.

   

    Agad namang may tumulak sa akin kaya nagpadikit ako sa pinto. "Ano ginawa mo dito ha?" galit na mukha ni Ezreal ang nakita na kulang nalang ay suntukin ako. Mabilis naman lumapit ang dalawa para awatin.

   

    Tumingin ako sa kanya "Ikaw? bakit ka nandito?"

   

    "Aba gago ka ahhh!!!" Gigil nito sa sinabi ko na sinubukan pang makaalis sa hawak ng dalawang kaibigan pero pare-pareho lang din ang hugis ng katawan nila kaya nahihirapan ito. "Hoy Jasper, ito ang tatandaan mo, akin na si Rean ngayon!"

   

    "Okey!" Sang ayon ko "Sayo nga si Rean pero ayaw ni Rean sayo, may magagawa ka?"

   

    Mas tumaas ang tension ng mukha ni Ezreal sa mga sinasagot ko sa kanya. Tama na ang pananahimik Jasper, hindi kailanman ay isusuko mo nalang ang dapat ipaglaban para makaiwas sa gulo.

   

    Binaling ko ang tingin kay Rean na nakapikit ang mata.

   

    May tatlong katok kamingn narinig sa pinto na nagpakalma ng tension nagbigay daan ako at pumasok ang isang doctor.

   

   

    "Good evening!" Bati nito at dumiritso sa gilid ni Rean hawak  ang checklist.

    Tumingin ito sa amin na para bang hindi alam kung sino ang kakausapin.

   

    "Umm.. Mga kaibigan na kayo ng pasyente?" Aniya at tumingin sa checklist.

   

   

    "Yes doc!"

    "No doc!"

   

    Nahati sa dalawa naming sagot na nagpatingin muli dito at kumunot ang nuo.

   

    "Kami pong dalawa doc" wika ni Jaiswal sabay akbay kay Jillion "Kami po mga kaibigan ng pasyente"

   

   

    "And? you two are?"

   

   

    "Boyfriend!" Sabay naming sagot ni Ezreal.

   

   

    Parang tumigil ang oras sa loob ng kwarto sa oras na iyon.

   

Gentle Game 2: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon