Chapter 16

5 0 0
                                    

Gentle Game



Kaiden's POV

Katahimikan, at malamig na hangin ang bumabalot sa katawan ko habang naka opo sa hagdan katabi si lola. Tahimik lang ito at malayong nakatingin sa palayan na pinapaliwanag ng bilog na buwan.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagtanong pero hinintay ko nalang si lola magsalita.



Pero wala pa ding nagsasalita kaya tumingin ako dito napansin kung parang may pinapahid si lola sa pisngi niya at parang may pinipigilan.

"Lola, ayos lang po ba kayo?" Agad kong tanong at hinawakan siya sa likuran.

Naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim sa paggalaw ng likuran niya at tumingin sa akin. Doon ko nakomperma na umiiyak si lola, agad  ako nakaramdam ng kakaiba sa iyak.



"Matagal na ba kayo ni Elijah?"



Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni lola, napalunok ako ng laway at bumilis ang tibok ng puso.

"A-ano po ang ibig niyong sabihin lola?"



"Kaiden, matanda na ako para hindi mahalata ang namamagitan sa inyo ng apo ko"



Tama nga ang hinala ko sa iyak ni lola, pero paano niya nalaman?

Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni lola sa kamay ko.

"Nakikita ko sa mga mata mo ang nararamdaman mo sa kay Elijah, at nakikita ko din ito sa apo ko, Kaiden" Pagpatuloy niya.

"Hindi na sana ako maniniwala pero sa nakita ko kanina sa batis...." Hindi na napatuloy ni lola ang pagsasalita at napayakap ito sa akin at mas tumindi ang pag-iyak.

Para akong lutang habang nakikinig sa mga kuwento ni lola, hindi ko alam kung ano sasabihin, isasagot, ano ang ilalabas na emotion. Si lola ang naunang nakakaalam sa namamagitan sa amin at ganito na ang reaction niya, tumindi ang kaba ng dibdib ko at nagsimulang nanginig ang mga kamay.











Elijah's POV

Sumabay kami sa paggising nina lola at lolo ni Kaiden para maghanda sa pag-uwi. Pagkatapos kumain ay inuna kong hinatid ang mga bagahe namin sa kotse at bumalik para magpaalam.

"Mag-iingat kayo sa byahe apo!"  Bilin  ni lola sa akin habang niyayakap ito.

"Huwag po kayo mag-alala lola!" Sagot ko at kumalas sa pagkakayakap.

Sinunod ko namang niyakap si lolo at napansin na Kaiden naman ang niyayakap ni lola.

Pagdating sa kotse ay napansin kong tahimik si Kaiden at nakatingin lang ito sa labas.

"Kai?" tawag ko. Mabilis naman itong lumingon pero para sa sarili.

"Hmm?"



"Ayos ka lang ba?"



"Ah yeah, sorry nanibago siguro ako sa ginagawa natin kahapon" Paliwanag niya at may pilit na ngiting iniwan bago bumalik ng tingin sa labas.

Hinayaan ko nalang din ito at pinaandar na lamang ang kotse para maakaalis at habang papalayo kami sa bahay ay nakikita ko sa side mirror ang tingin ni Kaiden sa bahay.





Pagdating ng maynila ay dinaanan ko ito sa Condo niya.

"Ayos ka lang ba talaga?" Muli kong tanong, wala kasi itong imik buong byahe at hindi ko alam kung nakatulog ba ito dahil sandal lang ito at naka tingala habang suot ang sunglasses.



Gentle Game 2: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon