Chapter 5

10 1 1
                                    

Gentle Game

Elijah's POV


"See you on Tuesday Captain Elijah!"


Tumayo kami dalawa at mabilis nagkamayan. "Nice to meet you sir, and your son!" Wika ko dito.


Napabuntong hininga ito. "Sa totoo lang nanghihiyang ako diyan sa anak ko!"


"Bakit naman sir? eh sikat na yan hindi lang dito sa pinas kundi sa ibang bansa"


"I know that, pero in some things, isipin mo 'to, 25 na yan pero wala pang babaeng dinala sa bahay" Pabulong niyang sabi na nagpatawa sa' kin na agad ko pinigilan sa paglinis ng lalamunan.


"Yaan niyo sir, baka sa susunod mabibigla nalang kayo!" Sabay ngiti at nagpangiti din sa dad ni Kaiden.

Matapos magpaalam ay nauna akong lumabas ng office at tinahak ang daan elavator. Ilang segundo pa ang hinintay ko bago ito nagbukas na agad namang may humatak sa akin papasok sa loob at agad pinindot at pagsarado ng pinto.

Muling gumuhit sa labi ko ang ngiti habang naghihintay bumukas ang pinto ng elavator at mabilis na naman ako nitong hinawakan ang kamay at hinatak sa mahabang hallway at pagdating sa pinto sa dulo ay mabilis nitong binuksan at inaakyat namin ang hagdan at may pinto nanaman siyang binuksan pero doon ay nakakasilaw na liwanag ang bumungad at malakas na hangin ang sumalubong, binitiwan ako ni Kaiden at naunang lumakad at tumigil sa gilid ng pader at tumingin sa malawak na siyudad.

Alam ko kung ano ang rason niya kung bakit niya ako dito dinala, dahan-dahan akong lumapit sa kanya at mula sa likuran ay niyakap ko ito ng mahigpit saka pinatong ang baba sa balikat.

"I love you!"

Naramdaman ko ang bahagyang pagbuga niya ng hangin bunsod sa pagngiti, at gumalaw ang katawan niya, kumalas ako sa pagkakayakap, humarap si Kaiden sa akin na may nakakadalang ngiti at dinipa ang dalawang kamay.

Muli ko siyang niyakap ng mahigpit na ganun din ang ginawa niya, pumikit ako nang bahagyang mas tumindi ang pananabik sa kanya ng maramdaman ang mainit niyang katawan.

"Alam mo bang galit ako sayo?" Mahina niyang wika sa'kin.


"Alam ko" Sagot ko "Sorry na okey? kahit din ako, nahihirapan pero alam mong ni walang lumipas na gabi na hindi kita naiisip"


Naramdaman ko ang paggalaw niya, kumalas ako sa pagkakayakap at tinignan si Kaiden, lumuha ito pero pinahiran na niya ng daliri bago paman ito tumulo.


"Hey, nandito na ako okey? babawi ako sayo!" Subok kong patahan at muling niyakap ng mabilis.

"Hali ka, kain tayo!"


Sa kalapit na foodcourt kami tumungo at hindi nagdalawang isip na doon sa hotel mismo kumain.


Pagkatapos mag order binitbit ko ang tray ng pagkain at nilapag sa mesa kung saan siya naka-upo.

"Remember this?" Wika ko at nilagay sa harapan niya ang isang cup ng milktea.

Ngumiti siya at hinawakan habang ako naman ay kinukuha ang natirang pagkain at nilagay sa katabing mesa ang tray.

"Ito yung bumuhay sa'kin nong college" Sagot niya.


"Nga pala, kumusta sina Luke, Miles? Nicolas?" Isa-isa ko sa mga kaibigan niya.


"Iniwan na ako ng mga kumag"

Medyo hindi ko maintindihan niyang sagot.

"I mean, si Luke sumama kay Autumn sa probinsiya si Miles, may sarili na ding tinitraining na player balak pa ngang magpatayon ng sariling tennis gym, si Nicolas hindi ko alam kung buhay pa 'yon!"


Gentle Game 2: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon