Chapter 23

2 0 0
                                    

Gentle Game



Elijah's POV



Agad ako nagmamadali pumasok ng restaurants habang inaayos ng dalawang kamay ang natanggal na botonis sa suot na suit sa pagmamadali. Late na kasi ako ng 20 minutes sa oras na napagusapan namin ni Kaiden at ngayon alam kung kanina pa ito naghihintay.

"Kanina ka pa? sorry medyo hindi kasi maganda pakiramdam ni mama kaya ako muna nagluto!" Bungad kong wika pag-upo sa harapan niya.

Tumawa siya. "It's okey ang mahalaga nandito ka na, ano nagustohan mo ba?"



Napatingin ako sa mesa at napaka gara iyon at may glass of wine ng naka handa sa harapan ko at sa kanya may bouquet ng bulaklak sa gitan namin at may mga kandila. Napaka romantic ng settings dumagdag pa  si Kaiden na naka suit din. Ang pogi niya sa oras na iyon.



"Yeah" Sabay ngiti.  "May ganito pa talaga? eh si lola pa lang naman ang nakakaalam"



"Ano ba ka, kahit na, huwag ka mag-alala pagnatanggap na tayo ng pamilya mo at ng pamilya ko sa outer space tayo magcecelebrate!"



"Gago, ang taas ng pangarap mo!"



"Bakit? totoo yan, basta naniniwala talaga ako na matatanggap din tayo nila at iyon na siguro ang pinaka masayang araw sa buhay ko!"

Napapangiti nalang talaga ako sa mga sinasabi ni Kaiden pero biglang nailang ng mapansin ang ibang tao na pasimpleng nakatingin sa amin dalawa.

"Saan mo ba gusto magpakasal Elijah?"



Pero dapat parin ba ako mahiya? siguro ito yung unang pagkakataon na may nakita silang dalawang lalaking nagdidinner pero basi sa mukha nila ay para bang confuse sila.

"Eli? ayos ka lang ba?"



"Ah ha?" Bumalik ako sa sarili sa tawag niya "Ah yes, sorry tigas kasi ng steak!" Palusot ko.



"Matigas ba? eh plato na yang hinihiwa mo!"

Agad ako napatingin at nahiya kona pala ang karne at plato na ang hinihiwa.

"Gusto mo maglakad-lakad?" Alok ko.



"Bakit? ayaw mo ba dito?"



"No I  mean, may regalo ako sayo, pero hindi dito puwede ibigay eh!"



Tumaas ang dalawa niyang kilay, alam kung hindi nito batid ang binanggit.





Pagkatapos kumain ay agad na umalis sa restaurant at iniwan nalang muna niya doon ang kotse at babalikan nalang mamaya, buti pumayag ang may ari dahil nga kumain naman kami.

Tahimik lang ako hanggang sa tumigil sa dulo ng lumang pantalan at ngayon ay ginagawang tambayan at naging pasyalan na, mas gumanda pa dahil sa ginawang tulay na inilawan kaya't kita ang detalye neto.

"Ayos ka lang ba?" Wika ni Kaiden, nahalata niya siguro na seryoso ako at medyo naiiwan ko siya sa paglalakad.



"Hmm?" Sagot ko sa pagharap "Yeah, I'm fine!" Dagdag ko saka muling tumalikod at sumandal sa steel bar at tumingin sa dagat, ganun din ang ginawa ni Kaiden. Tumingin ako sa kanya, napapansin ko ang iba sa mukha nito. Kumuha ako ng paghinga bago nagsalita.



"Pasensiya kana Kaiden!" Mabilis nakuha ang attention niya sa sinabi ko "I want to celebrate this night with you but.."



"... Its okey Eli" Putol nito sa sinabi at sinundan ng tingin "I know nahihiya kapa din malaman ng ibang tao tungkol sa'tin"



Gentle Game 2: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon