Chapter 12

0 0 0
                                    

Kahit abala sa paghahanap ng mga libro na kakailanganin para sa reference sa term paper, hindi pa rin siya tumitigil sa kadadaldal habang ako itinutulak ang cart at tinutulungan siyang maghanap sa malawak na library ng state of California dito sa Sutro. "Hindi ko makuha kung bakit ayaw niya akong pasamahin sa Thunderhill Raceway park, e hindi naman ako yung makikipagkarera." reklamo ni Beatrix. Bali-balita kasi na makipapagcompete ang mga jocks ng school sa taga-Buttonwillow and hindi ko alam, pero ang laki ng mga pustahan nila para sa anticipated race na gaganapin bukas. Madalas na ginaganap yun alas-diyes hanggang alas-kwatro ng madaling araw, palibhasa anak ng mga senador at mayayamang negosyante ang mga kasali kaya pati batas pumapanig sa kanila.

"After kasi ng kumalat na rumors sa mga early pregnancy sa school pinaghigpitan na rin ako ng mga parents ko na sumali sa party, idagdag mo pa yung Flossy Possies na ginahasa sa bar, pero kitang kita naman sa CCTV na ginusto nila, and sila rin naman yung humithit ng ecstasy tapos sasabihin nilang wala sila sa katinuan? Nakakatakot yung mundo. Pero mas natatakot ako sa magulang ko na wala ng tiwala sa akin. Inaabangan ko pa naman kung gaano kabagal ang mga mayayabang na jocks ng school kapag nakatapat nila ang Buttonwillow." Rant ni Beatrix na walang preno ang bibig kung dumaldal.

"Perhaps the lowest speed in the world is the speed of sound. You'll understand what your mother said to you when you were sixteen only after you turn forty." 

"Ava, anong gustong palabasin? Papatunayan kong tama yung mga hinala ng parents ko? No, I'll prove them wrong. Ava, come on! You know me, right?"

kinuha ko ang iniabot na aklat at nagsalita, "They just want you to be safe. To be a law-abiding citizen. Magmovie-marathon nalang tayo sa bahay ko, sagot ko na ang pizza then tawagin natin si -" natigil ako ng biglang nahulog ko ang aklat, nang damputin ko ito,  nakita ko ang sequoia tree sa pabalat ng libro. Biglang may kung anong imahe ang nagpakita sa utak ko, hindi ko maintindihan at ikinagulat ko ito dahilan para mahulog muli ang libro sa kamay ko.

"Hey, Ava, are you alright?" Hindi ako nakasagot at pilit na ina-unravel ang mga images na bigla nalang lumalabas sa isipan ko. "It's the dream, right?" she added

"Probably."

"Have you got any clues?"

I frowned. Wala pa rin akong ideya kung anong meaning ng mga iyon, feeling ko kasama ito sa panaginip ko after kong makarecover at magising mula sa car accident two years ago. Natatandaan ko lang ang roller coaster feelings pero kahit maliit na detalye, hindi ko maaninag. I keep repeating the same thoughts in my mind: It's not that our minds forget dreams but that we don't know how to access them.  "Access" bulong ko. Nagmadali akong kunin ang libro, at tiningnan ang pabalat nito.

"Sequoia?" Saad ni Beatrix at yumuko  upang makitingin din sa mga pahinang binubuklat ko.

"Sequoia National Park?" Naalala kong ito ang madalas na sumasagi sa mga visions ko.

"Ava, baka hindi iyon panaginip. Baka iyon ay mga huling alaala mo bago nangyari ang accident. Sa park nangyari ang accident hindi ba?" Tanong ni Monica at napaisip ako na possible, siguro nga mga pictures lang iyon ng nakaraan pero bakit mayroon akong mga premonitions, I always feel like something must have to happen.

Habang nakaupo sa sahig, nakita namin ang mga estudyanteng mabilis na nagtatakbuhan papunta sa computer station nitong library. "What is going on?" Tanong ni Beatrix, at mabilis na tumayo. Isinalansang namin ang mga libro, at inayos sa cart ang mga napiling libro. Tumungo kami sa mga nagkukumpulang estudyante, "Nakalive si Drew, yung mga seniors magsasapakan para sa natitirang spot sa race bukas." Sabi ng isang estudyante habang nakaharap sa computer, nakisiksik si Beatrix upang mapanood ito, habang ako ay pinipilit na makalabas sa stampede ng mga estudyanteng nakikinood din sa mga nangyayari. Yumuko ako para makalabas, ngunit natulak pa ako sa pinakaloob. "Beatrix, yung cart!" Sigaw ko pero tila hindi niya ako narinig. Mga tao talaga basta may chismis, wala silang pake sa paligid nila basta makisasaw lang just to suffice their innate curiousity.

I Forgot That You ExistedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang