Chapter 2

23.5K 1K 4.7K
                                    

Chapter 2










"Milk?" Pumasok si Mommy sa kwarto. Agad kong tinakpan ang sarili ko ng kumot. My eyes are swollen from crying. Kanina pa ako nakauwi at kanina pa rin ako umiiyak. Ngayon na pumasok pa si Mom dito, lalo lang akong naiyak.

"Come on, love." She said, "Para makatulog ka ng maayos..."

I sobbed.

"Knock, knock, girls." I heard Dad.


"Sinabihan na ng Tito at Tita mo si Tain." As if that will make it okay. Kahit sino ang magsalita sa taong yun, papasok lang sa isang tenga at lalabas sa kabila. Ganoon siya kagago, "They have a family problem, anak. Alam ko na hindi iyon excuse para sa nangyari kanina but pakiramdam ko lang na sobra siyang nasasaktan, to the point na hindi niya macontrol ang sarili niya."


"Sapakin ko ba?" Daddy joked.


"Doon ka na nga," Mom told him, "This is girls talk."


"Pinapaiyak eh," Daddy said, "Gusto mo ba talaga yun si Tain?"


Napabangon ako sa inis kay Dad, "Hindi! Am I dumb? I'm not! Why would I like him? Grabe siya, Dad!" Tuloy-tuloy ang luha ko, "I hate him! I don't like him kahit kaunti! I really really hate him!"

Daddy crossed his arms while looking at me. Sumandal siya sa pader ng kwarto ko. Mom, on the other hand, placed her hand on my back so I would calm down.

"Grabe siya!" Muli kong sabi, "He's so bad. Grabe siya!"

"Why are you upset, Risela?" Daddy asked, mas seryoso na siya ngayon, "For your Tito or because of the dance?"

Natahimik ako. I sobbed again.

"Doon ka na sa labas, Dad!" Mommy said, "Pinapaiyak mo lang eh. Hindi niya nga daw crush..."

Dad chuckled, "Alright. You should sleep early, may klase ka pa bukas 'di ba?" Lumapit si Dad sa akin, "Pagsasabihan ko yun. Nakikinig yun sakin." He kissed the top of my head, "Stop crying na."

"I don't like him, Dad." Ulit ko.

Daddy laughed, "Okay. Sabi mo eh."

When he left me and mommy alone in my room. Naiyak na naman ako. Mommy hugged me tight, "You can tell me everything, Risela. Why are you upset? What makes you this upset?"

"Him." I covered my face, "He was my best friend, mommy."

"Hmm... tapos?" She asked.


Wala na ako sa buhay niya. I wanted to tell her that pero hindi ko sinabi. Hindi ako sumagot sa kanya. I just cried while covering my face.

"Alam mo ba, Havriel shouted at him earlier, which is very understandable. Tain cried." Napatingin ako kay Mom, "It's the first time I saw him show his emotions. Hanggang ngayon, hinahanap pa rin siya ng mga Tito mo. Umuwi lang ang Dad mo para sa 'yo. He's an adorable boy. I remember him being shy kapag nagbebake ako ng cookies at gusto niya pang humingi."


"Hindi pa siya nakikita?" Tanong ko.

"Hindi pa raw. Napuntahan na lahat ng kaibigan na pwedeng tulugan. Tanya is helping them too until now."

Nagulat si Mommy nang bigla akong tumayo, "What are you doing, nak?"

"Baka kung ano gawin 'non, Mom." I cried. Binuksan ko ang closet ko at agad na nagsuot ng sweater. I took a cap from the cap rack. Nagulat ako ng nakuha ko pa ang baseball cap ni Tain. It's just a plain black cap that he gave me noong inabutan kami ng ulan... noon.

Mountains To CrossWhere stories live. Discover now