Chapter 18

17.5K 782 7.1K
                                    

Chapter 18











"Good morning!"







Halos nakapikit pa ako nang pumasok si Mommy sa kwarto. May bitbit siyang isang tray ng almusal. Ipinatong niya iyon sa kama. Tinignan ko at nakita ang tinapay na may palaman na hindi ko alam ang pangalan, mansanas at gatas. May boiled egg rin sa gilid.








Umupo si Mommy sa gilid ng kama at ngumiti sa akin, "It's your first breakfast kaya naisip ko na dalhin dito. This is your favorite set of breakfast. Strawberry jam sandwich, fruits, boiled egg and milk..."







I looked at her, "Salamat po. Pwede naman po na bumaba na lang ako..."








"Oh... ofcourse, I just want to go here... I am making excuses for myself." Sagot niya sa akin, tumawa siya ng kaunti para maalis ang ilang sa pagitan naming dalawa, "Do you want to renovate anything in your room?"











Tinignan ko ang paligid. Maayos naman sa akin ang kwartong ito. Masyado siyang pambata pero... hindi naman ako magtatagal dito kaya bakit ko pa ipapaayos? Masasayang lang ang pera nila. Ayos na sa akin ito, sobra-sobra pa nga. Sa Camiguin, kasing laki ng kwarto na ito ang buomg bahay namin.









"Wala po. Ayos na ito." Sagot ko, "Salamat."








"No, really." Sabi niya, "We can paint the walls with new color, fix your cabinet, ilipat ang kama mo. Baka may gusto kang bagong appliances. Alam mo ba, si Bless, nagpabili nung parang LED lights at air purifier. Gusto mo ba 'non?"








Umiling ako, "Okay na po ako."








"Oh..." She said, "Then how about clothes? Shoes? Make Up? Can we go shopping?"









"Nako!" I smiled, "Hindi na po. Marami po akong damit at magaling akong maglaba. Hindi ko naman kailangan ng mga dagdag pang damit. Hindi ko rin po kailangan ng make up kasi hindi naman ako marunong..."









"Okay lang naman kahit hindi mo... maisuot lahat," Sabi niya.









"Masasayang lang po ang pera niyo." Sabi ko, "At wala po akong pambayad. Mahal ang mga gamit dito sa Maynila."











"Bakit ka magbabayad?" Her expression changed, "Risela, I am your mother. Bakit ka magbabayad?"








"Nakakahiya naman po kasi. Ngayon lang naman tayo nagkita-"










"Kahit sampung taon, dalawang dekada ang lumipas, Risel... Even if I lose count of the days and minutes, I will always be your mother." She said, "I will spend everything I have for you if I have to. Gagawin ko ang lahat..."









"Hindi ko naman po hinihingi." Sagot ko, "Hindi po ako komportable."









Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Hindi siya nakapagsalita pagkatapos ng sagot ko. The disbelief in her eyes made me want to apologize. Even so, kailangan ko pa ring sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. This is all too fast for me. Hindi ako makasunod. Hindi ko alam kung tama ba ang mga naging desisyon ko.









"I'm sorry for that," She whispered, "I won't do and suggest things that will make you uncomfortable now..."










Mountains To CrossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon