Chapter 32

19.7K 886 4.7K
                                    

Chapter 32








Tain went home after that. He needs to.

Kailangan siya ng pamilya niya. Ni hindi ko nga alam kung bakit pa siya pumunta dito dahil sa totoo lang ay hindi naman kailangan. I hope that Tito Havriel will be fine. And I hope that Tita Ara, Tanya and Tain can stand strong for him. Sana rin, kahit ano ang mangyari, my father and their friends will get through it.


Dalawang linggo bago kami nagdesisyon na iuwi si Tatang. Hindi naging madali dahil sa available na transportasyon pauwi sa isla. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ito ang tamang desisyon dahil mahihirapan kami sa therapy pero gusto nang umuwi ni Tatang. Mas gusto niya daw na magpagaling sa bahay.



Hindi kritikal ang lagay ni Tatang pero malaking pagbabago ito para sa kanya. Hindi na siya pwedeng magkikilos sa bahay at lalong hindi na siya pwedeng magtrabaho at mangisda. Kailangan ay merong mag-alaga. Si Rauso kasi ang magtatrabaho. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko; kung dapat ba akong manatili o bumalik sa Maynila.



Hindi ko alam.

Pareho ko silang mahal. Kung may isang pagbabago na nagustuhan ko sa buhay ko pagkatapos ng lahat ng nangyari, iyon ay ang pagkakaroon ng dalawang pamilya. Back then, having my family in Manila is already too much of a blessing. And for me, having two families is a gift. Hindi lahat ay nagkakaroon ng ganito. A lot of people are suffering because they don't have a family. Tapos ako... dalawa pa. Paanong hindi ko ito ipagpapasalamat?




I know that it's hard, most of the time. But being loved like this takes away every painful experiences I went through. May mga pagkakataon na maiipit ka sa gitna at hindi mo alam ang gagawin. Mga pagkakataon na walang mas tama o mas mali. Pero kahit anong maging desisyon ko, alam ko na walang kondisyon ang pagmamahal nila para sa akin.



"Risela!" Pagdating namin sa isla ay agad akong niyakap ni Nanang, lumuluha siya.


"Nang..." Yumakap ako pabalik, "Kumusta?"


"Para akong nabunutan ng tinik dahil nandito ka na." Sagot niya, "Ang akala namin ay hindi ka na talaga babalik... maiintindihan naman pero masakit pa rin kung iyon ang naging pasya mo."



When I regained my memories, it never motivated me to stay in Manila. It even convinced me that I have to go back here in Camiguin. Ang akala ko, kapag bumalik nga ang mga ala-ala ko ay pipiliin ko rin na huwag nang bumalik. Ngunit dahil nadagdagan pa ang mga tanong, alam ko na kailangan ko pang bumalik dito at hanapin ang mga sagot.



Nagpahinga kami pag-uwi. Simpleng pahinga lang. Walang malalaking kwarto, walang malalambot na sofa, walang malaking telebisyon o mga katulong na ipaghihiwa ka ng prutas. I just slept in the small bedroom where we usually sleep.



Napabalikwas ako nang makitang alas singko na ng magising. Hindi yata tumunog ang alarm o baka kulang lang talaga ako sa pahinga at napasarap ang tulog. Isinet ko kasi sa alas tres ang relo at sumobra ako ng dalawang oras sa pagtulog.



Nang lumabas ako sa kwarto ay nagluluto na sila para sa hapunan. Nagpapahinga si Tatang at hindi ko muna ginambala. Siguro, talagang mas at ease siya dito sa bahay. I mean, who wouldn't? Kahit gaano kaliit ang bahay na ito, dito ang buhay niya. It may not be as grand as Daddy's house but it has the same value. Both houses has the comfort they can only in there.



"Ano po ang niluluto niyo?" Tanong ko.



"Adobong sitaw at kangkong," Sabi ni Nanang, "Pasensya na, anak. Alam kong ipinangako ni Tatang at Nanang na pag-uwi mo ay ipagluluto ka ng daing pero-"



Mountains To CrossWhere stories live. Discover now