Chapter 11

23.6K 820 4.1K
                                    

Chapter 11






Sobrang bilis ng oras.

Our freshman year ended in a snap. Tain won his swimming competition at pumasok pa siya sa dean's list, silang dalawa ni Tanya.

Kami ni Juan Luis, no comment. Basta masaya naman kami sa mga buhay namin. At kahit hindi naman ako pumasok sa dean's list ay pinaghanda pa rin ako ni Mommy kasabay ng graduation ni Red. He graduated with High Honors for Senior High. Sana all. Ako kasi with high blood pressure.

Matalino naman kasi talaga ang kapatid ko. He will study in Ateneo na lang rin since doon naman na siya nag Senior High pero hindi pa rin siya sigurado kung ano ang kukunin niyang program sa college.

"Saan niyo gusto sa summer?" Daddy asked, "A week or two would be fine for me. Gusto ko rin magbakasyon."

"Nag-aaya sila Kuya Luis sa Cebu!" Sagot ni Red, "Dad, sama tayo! Sasama rin sila Tito kaya hindi kayo mabobored..."

"Nasabi yan sa akin." Sagot ni Dad, "Gusto niyo ba? My, ikaw?"

"Ayos lang. Kahit saan." Mommy answered, "Ikaw ba, Risela?"

"Kahit saan."

"Maganda siguro sa kahit saan!" Red threw a pillow at me. I looked at him, annoyed.

Sa totoo lang, parang wala akong energy na umalis-alis ngayon. Pero syempre kapag naka-set na, sasama pa rin naman ako.

Nagkikita kami ni Tain kapag may oras kami at kapag sinabi kong 'may oras', ibig sabihin, halos araw-araw kaming nagkikita. Halos araw-araw ay nandito siya sa amin mula nang matapos ang finals. Pakiramdam ko nga minsan ay nauumay na si Daddy sa aming dalawa.

"What are we gonna do today except watch Grey's Anatomy?" He asked.

"What we are doing today ay umuwi ka na." I laughed at him. Nakahiga siya sa kama ko habang nagfefacebook. Tain pouted and combed his hair using his fingers, "Baka gusto mong maglipat bahay na tutal araw-araw ka namang nandito."

"Why not?" He chuckled.

"Tain!" I whined at him.

"Ang boring kasi sa bahay." He whined too, "Wala akong magawa. Ayoko na makipaglaro kay JL ng COD, tanginang yon, pabuhat."

"Edi matulog ka. Magswimming ka. Kumain ka. Hoy, Tain Justin, nagtataka na tatay ko kung ano ganap mo dito. Isang araw, maglalagay na yun ng cctv dito sa kwarto ko." Sabi ko sa kanya habang nakapamewang. I rolled my eyes at him.

"Interesting. Parang bahay ni Kuya." He laughed again, not taking my rants seriously.

"Seryoso kasi!" Natatawa kong sabi, "Alam mo naman imagination ni Daddy at Mommy minsan! Tsaka pwede ba, wala na kaming bigas. Magulat ka na lang sinisingil na ng Tatay ko si Tito para pagbayarin sa lahat ng kinain mo dito samin."

"Magbabayad yon si Daddy," He said. Nagbukas siya ng Mobile Legends sa cellphone niya. He sat down at sumandal sa headboard ng kama ko, "I don't want to go home. Sobrang boring."

"Wala ka rin namang ginagawa dito!" I answered him.

At the end, hindi ko rin siya napauwi at nanood lang kami sa netflix. The door of the room remains open. Iyon na ang rule dito sa bahay. When I told Tain about it, tinawanan niya lang ako at ininis.

"Bakit parang kasalanan ko na ayaw ipasara ni Tito ang pinto mo?" He asked, raising a brow at me, kahit siya naman talaga ang dahilan.

"Ikaw naman talaga." Sagot ko.

Mountains To Crossحيث تعيش القصص. اكتشف الآن