Chapter 20

18.3K 816 9.8K
                                    

Chapter 20












"Saan po tayo pupunta?" Tanong ko. Naglalagay si Daddy ng mga pagkain sa likod ng kotse. Kami lang ang nasa labas dahil nag-aayos pa yata sila ng iba pang dadalhin sa loob.



"It's Tita Sierra's death anniversary." Sagot ni Daddy sa akin. Pinagpag niya ang kamay at sinara ang likod ng sasakyan. Pagkatapos ay umakbay siya sa akin, "Sera's aunt and your mom's bestfriend..."



"Kilala ko po siya." Napahinto si Daddy sa sinabi ko, "Ilang beses siyang nagpakilala sa akin noon. Parang totoo nga po. Hindi ko natanong sa inyo dahil akala ko hindi niyo siya kilala, ang akala ko po... wala lang siya dito..."





Hindi ako nagtanong sa kanila dahil bakit ko naman iisipin na kilala nila si Sierra? At isa pa, kahit na dalawang linggo na ako dito, hindi pa rin ako masyadong sanay at hindi masyadong makapagbigay ng opinyon. Sinusubukan ko pa rin naman. Hanggang sa dulo, susubukan kong maramdaman nila na ako pa rin 'to... kahit na alam ko sa sarili ko na mahirap.



Maayos naman kami. Civil lang. Pero sa bahay, mas nakakausap ko si Daddy. Hindi ko alam pero nahihirapan akong kausapin si Mommy. Naiilang ako. Hindi ko alam kung bakit. Sa tuwing tinitignan ko siya, hindi ako makapaniwala na siya talaga ang nanay ko. Gusto ko rin siyang makakwentuhan o makasama nang kami lang pero palagi din siyang busy. Sa gabi, palagi kong naririnig ang pagpasok niya sa kwarto. She will just check on me every night. Ipagluluto ako ng pagkain, manonood kasama ako. Paulit-ulit. I appreciate everything.





Minsan lang, parang may kulang.



Parang masyadong magaan? Masyadong masaya? Masyadong payapa... Parang hindi totoo.


Tahimik ang biyahe papunta sa sementeryo. Sinabi ni Red sa akin na pupunta raw ulit ang mga kaibigan ni Mommy at Daddy. Sinabi niya rin na taon-taon raw talaga ay ginagawa nila ito para sa kanya. Bata pa lang daw kami, sanay na kami sa ganito.



Tanaw ko ang labas habang umaandar ang sasakyan. Nakatulog silang lahat pwera lang sa amin ni Daddy dahil siya ang nagmamaneho. Ako, dahil iniisip ko kung bakit ako kinakausap ni Sierra noon pa lang. How in the world that among all these people... I remembered the dead?


Alas dose nang makarating kami sa sementeryo. Medyo natraffic kasi papunta. When we reached them, they are already settled.



"Late kayo!" Sabi ni Tita Musika. Isa siya sa mga tao dito na madaling pakisamahan. Masaya siya kausap at palaging nakangiti sa akin. Komportable ako sa kanya.





"Hi Ate..." Kumaway ang isang teenager sa akin. I awkwardly nodded at him, "She really doesn't remember me?"




"Ang daldal mo." Si Kuya Yunseong, "Just introduce yourself to Ate Risela properly."



"I know that. I am not a kid." Sagot niya kay Kuya Yunseong, "Hi Ate... I'm Markus..."



"He's Maku." Sabi ni Kuya Yunseong, "That little guy who will always pester you just to get and sneak some chocolates. Apparently, hindi na raw siya bata."



Sumimangot ang bata sa Kuya niya, "Markus, hindi Maku!"



"Whatever!" Sabi ni Kuya Yunseong.



Lumapit sa akin si Maku at tumabi, "Look!" Ipinakita niya sa akin ang isang polaroid. It gave me a different feeling. It's me, hugging a child that is probably him. I smiled towards the camera in a very different way. It looks so natural and happy.




Mountains To CrossWhere stories live. Discover now