Chapter 6

21K 1K 4.1K
                                    

Chapter 6











"Sino ba hinihintay mong magtext sayo, ha?" Shine asked. Nasa starbucks lang kami ngayon at nakatambay. Ibinaba ko ang cellphone ko nang magtanong siya.


"Sino ba yan?" Ulit niya.




"Wala." I said and opened some handouts.



After a while of being a bystander in starbucks na naman, bumalik na kami sa classroom for our next class. Today is boring. Typical day lang ng klase at puro lectures pa dahil malapit-lapit na ang midterms. Sinasabi na rin sa amin ano ang mga midterm requirements namin.




I am yawning already minutes before the class ended.





"Love the necklace!" Bati ng isa kong kaklase na si Ira.



I smiled at her before looking at my compass necklace. It, indeed, looks beautiful but this necklace brings so much confusion in my life right now.





"Risela!" Shine called, nasa pinto na siya, "May naghahanap sayo!"




Kumunot ang noo ko. Iniligpit ko ang gamit at inilagay sa bag.



Paglabas ay nakita ko si Tain na nakasandal. My heart raced. He's showing his forehead today. Naka-specs at nakawhite longsleeves pero nakatupi hanggang sa siko niya. His black maong pants and leather shoes complimented the look.




Suot niya ang kwintas.




"Una na ako, Risela!" Shine chuckled, "Enjoy, I guess?"




"Enjoy saan? Gago..." I told her. Humalakhak lang ang kaibigan ko bago kumaway sa akin at naglakad palayo.






My eyes went back to Tain.



"Bakit bihis na bihis ka?" I asked him.



"Bakit? Pangit ba?" He smirked, "Di naman ah."


"Hindi nga. Nagtatanong lang ako." Sagot ko, "Aattend ka ba sa binyag?"




"The school paper is going to interview the swimming team and we are required to dress like this so..." Nagkibit balikat siya. It's the damn school newspaper again. Teka, Risela, bakit ka napipikon?




"Okay. Bakit mo ako pinuntahan?" I asked.




"Samahan mo ko." My eyes widened at him, "What? Tapos alis tayo."




"Ano? Saan naman tayo pupunta? Ang lakas ng trip mo." I chuckled.



Tain went closer, nakasandal pa rin ang braso niya sa pader ng classroom, taking the Macbook from my arms and taking my hand so he could hold it. Parang malalaglag yata ang puso ko. His eyes are too piercing. It makes me feel things. Kaya hindi na ako nagtataka sa dami ng babae niya.





Sabay kaming naglakad papunta sa studio room ng campus newspaper namin. Nandoon na ang teammates niya kaya umupo na lang ako sa gilid habang nag-aayos sila.






It's the Denise girl again who will interview them. I think she's the editor-in-chief pero hindi rin ako sigurado. Tanya probably knows dahil baka kasama niya ang mga 'to sa mga progressive groups na sinasalihan niya.





"So, anyone can answer this question ah. Sino ang may mga inspirasyon sa inyo dito?" She asked that after the serious questions sa una.




Mountains To CrossWhere stories live. Discover now