Chapter 22

17.9K 842 4.2K
                                    

Chapter 22






"Hi Ma'am Risela," Bati sa akin ng ilang trabahante. Binigyan ko ang lahat ng bumati sa akin ng ngiti.



Mula sa kinatatayuan, tanaw ko ang buong production area ng publishing company ni Daddy. Nasa itaas kami ngayon at kita lang mula sa bintana.

Tuloy-tuloy ang produksyon ng mga papel at ng mga libro dahil may in demand yatang libro na pinupublish ngayon.

Nasa tabi ko lang si Daddy, may kausap na mga tao tungkol sa negosyo.



"Your Dad is very strong willed." Sabi sa akin ng kakwentuhan niya, "I watched how he crawled and pushed himself to start something again, seven years ago." Natawa si Dad, "What? Yun, it's true... Risela, you are so lucky to have him as a father... And Taline is the luckiest... and speaking of Tala, Yun, is she doing well?"


"Yeah..." Sagot ni Dad, "Well... about that one writer you recommended..."


Tinanong lang ako ni Daddy kanina kung gusto ko raw bang lumabas at sumama sa kanya dito. Wala naman akong ginagawa kaya naisip kong sumama na lang. Nag-aayos kasi sila sa bahay dahil uuwi yata ang mga magulang ni Daddy para sa kasal ni Red dahil dalawang linggo na lang ang natitira.


"Hey!" Nagulat ako nang makita si Yuri na papalapit sa akin. Nasa cafeteria ako ng kompanya at pumipili ng ice cream na gustong kainin.




"Yuri," Sambit ko sa pangalan niya, "Kumusta?"



"Doing very well." He answered, "Sinong kasama mo?"



"Si Daddy..." Nilingo  ko ulit ang mga ice cream na nasa harap ko, "Ate, ito oh. Yung mango... Tsaka yung chocolate!"


"Sa akin po, strawberry," Sabi ni Yuri.

Pagkatapos naming kunin ang mga ice cream namin, umupo lang kami sa isang banda ng cafeteria. Wala masyadong tao dahil working hours nila. Nasa tapat kami ng bintana at tahimik na kinakain ang ice cream.



"You... saw the flowers?" Tanong ni Yuri.


My face lighted up. Muntik ko nang makalimutan, "Oo! Ang ganda, sobra! Thank you ah! Paano mo nalaman na gusto ko 'non?"



"Hula lang," He laughed, "Kidding. Nadaan lang kami tapos naisip kong bumili... inisip ko kung sino pwedeng pagbigyan tapos ikaw ang naalala ko..."




"Wow naman..." I chuckled, "Thank you. Inilagay namin ni Manang lahat ng bulaklak sa isang vase para hindi agad malanta. Tapos nasa sala namin ngayon..."



"I'll send you more flowers then," He said.



"Hala! Nakakahiya!" Natawa ako, "Bakit ka nga pala nandito?"

"I'm writing a book." He said, "Nakipag-usap lang sa akin yung creative team dito for terms and conditions..."

"Oo nga pala! Tungkol saan ang isinusulat mo? Love story?" Tanong ko.

"No... more on slice of life? Philosophy? Something more serious dahil hindi ako masyadong sweet..." Sabi niya, "I only have a concept in mind, though. I don't have a draft yet."


"Sigurado akong magaling ka..." Sabi ko.


He chuckled, "Thank you..."


Bandang hapon nang umuwi kami ni Daddy. Dumaan pa kami sa isang fast food restaurant para uwian sila Bless at Red ng pagkain.

Mountains To CrossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon