Chapter 28

20.6K 757 3.7K
                                    

Chapter 28






"Nang..."

"Risela!" Si Tatang ang sumagot ng tawag, "Noong nakaraan pa namin hinihintay ang tawag mo. Mabuti naman at tumawag ka na. Ang sabi ng mga kapitbahay ay tapos na raw ang kasal ng kapatid mo... napanood raw nila sa balita at narinig sa radyo..."

"Opo, Tang." Sagot ko, "Kumusta na po kayo?"

"Maayos, anak..." Aniya, "Ikaw ba? Hindi ka naman nahihirapan? Kailan ba ang uwi mo? Malapit ka na bang umuwi?"

With that, I felt a pang in my heart again. Hindi ko alam kung paano sisimulan. Hindi ko alam kung paano ako magtatanong sa kanila. They treated me like their own family. Pinakain, binihisan, inalagaan. Nahihiya ako na may pagdududa sa puso ko para sa kanila.

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag na naalala ko na ang totoo kong pamilya. I don't even know if labelling them as true is right because both families just gave me genuine love and care.

"Hindi pa po ngayon, Tang..." Sagot ko, pinipigilan na masira ang boses dahil sa pagluha.

"Ah..." Sagot niya, "Kailan ba? Sa susunod na linggo? Sa sabado? Sana ay sabado para maipagluto ka namin dito-"

"Hindi pa po eh." Natahimik si Tatang sa kabilang linya.

"A-Ayos lang..." He said, "Gusto mo bang magpasko diyan? Itatabi na lang namin ni Nanang ang regalo mo. Hindi namin papabuksan kay Rea. Ayos ba iyon, Risel?"

Mariin kong ipinikit ang mga mata at hinayaang lumuha. Gusto kong umuwi sa Camiguin pero ayoko ring iwan ang mga taong nandito. And I only have to pick one and decide immediately, so that I won't hurt them so much.

"Ayos po..." Sagot ko.

"Naiintindihan ko naman..." Hindi ko napigilan ang paghikbi, "At kahit anong mangyari, sa puso ko, anak kita... Kahit anong gustuhin mo, Risel..."

Dalawang linggo ang itinagal ko sa ospital. Nang hinayaan na madischarge ay marami pa ring paalala. Marami pa ring posibilidad na may mga alaala pa akong babalik sa mga hindi inaasahang pagkakataon at delikado na iwan raw akong mag-isa. Noong nakaraan kasi ay tumama ang ulo ko sa tiles kaya nagkaroon ng maliit na bukol. Mabuti nga at maliit lang.

Natuloy ang pangalawang hearing sa kaso ni Tain ngunit hindi maganda ang kinalabasan dahil sa kakulangan ng ebidensya. The harasser has a huge chance to be freed from her consequences, lalo na't halata naman na pabor ang korte sa kanila. Marahil dahil sa kanyang ama na maraming connection.

"I think that you can actually win, Tain." Si Daddy ang narinig ko pagbaba mula sa kwarto, "Let your father defend you."

"I don't know, Tito..."

"He can defend you, Tain." Dad answered, "Your father defended thousands of strangers all his life. He succeeded in most of it. What is scaring you to let him defend you?"

"Shame, maybe?" I heard him chuckle, "I am ashamed..."

"Of what?"

"Tito, did he succeed back then?" He asked.

"Saan?"

"Defending Sierra Yoon."

Sierra Yoon.

Tita, naaalala na rin kita. It all made sense to me now. It all made sense that your name is the only one I can recall. Sierra Yoon guided me home. She tried so hard to make me remember and give me clues of who I am through my dreams.

Hindi ko alam ang boses niya noon pero naaalala ko ang boses niya sa panaginip ko noon. It's like she did everything to wake up the unconscious mind in me. And now that I am unlocking my memories one by one, I recalled why Tain's father needed to defend her in court.


Mountains To CrossWhere stories live. Discover now