Chapter 3

24.3K 989 5.6K
                                    

Chapter 3






It's raining.



Hindi ko alam kung bakit dahil sikat na sikat naman ang araw kanina at wala din ito sa weather forecast. Ngayon pa talaga na wala kaming choice kundi mag-commute papunta ng Ateneo? God, it's our admissions exam. Is this a bad omen for the both of us? Hindi naman siguro.




My parents never pressured me to be admitted in Ateneo. Kahit ano naman daw ay ayos lang o kung saan ko gusto. But, I want to go there. Alumni ang Daddy ko sa Ateneo at hindi lang siya basta alumni, he served as a captain in their Men's Football Team.




"May payong ka?" Tanong ko kay Tain. Siya ang kasama ko dahil nauna na si Tanya kanina. Ayos lang naman. Mas maraming pagkakataon na close kami ni Tain at mas okay ako na siya ang kasama ko.



Admissions exam namin for our Senior High School. I sighed in disbelief.




"Sugod na tayo sa ulan." He said.





"Magkakasakit tayo!" I held his arm.





"Wala na tayong choice. Malelate tayo, Risela. We have to pass in Ateneo, remember?" He asked. Ako, hindi talaga. Pero siya, nararamdaman ko ang pressure na meron siya. His Mom and Dad are both outstanding and hotshot lawyers. So I feel like he's holding himself into this set of standards he did dahil magagaling ang mga magulang niya.




"Wear this." He was about to remove his sweater and give it to me pero pinigilan ko siya. He raised a brow at me.



"Ikaw na lang kaya pumunta? Hindi ko naman talaga kailangang makapasa sa Ateneo eh." I told him, "Pero kung ikaw-"



"Eh di wag na tayo pumunta." He said.





He's stubborn. Naalala ko noon na nagtatanong si Tito Havriel kung kanino daw nagmana si Tain. Neither him or Tita Ara got an attitude like this. But, Tain, he is so stubborn. Kapag gusto niya, gagawin niya talaga lahat. Kapag ayaw niya, hinding hindi mo siya mapipilit. Kapag buo na ang loob at mga desisyon niya, gagawin niya talaga.




Tain is a quiet person but he's very observant than anyone.



"Wear this instead." He removed his sweater. Dahan-dahan ko iyong sinuot at pagkatapos ay inalis niya ang itim niyang baseball cap at ipinatong sa ulo ko.



Mountains To CrossWhere stories live. Discover now