Chapter 23

18.8K 848 6.5K
                                    

Chapter 23














"Wow," Napalingon ako sa nagsalita. I smiled when I saw Yuri. Ayos na siya pero kulang pa ang damit dahil hindi suot ang coat at hindi pa nakaayos ang necktie.








"Hello..." Bati ko.









"I have something to give you," Sabi niya at tuluyang pumasok sa hotel room ko. Tumayo ako mula sa upuan, "Just a little gift..." May kinuha siya sa bulsa. Binuksan niya sa harap ko ang isang itim na kahon.







Nawalan yata ako ng sasabihin nang makita ang brotse na nasa loob ng kahon. Kinorte ang bakal na parang bulaklak at may mga perlas sa paligid nito. Ang ganda.






"Para saan?" Tanong ko at medyo natawa, "Mukhang mahal..."






"Not really," He answered, "Wear it later, okay?"






Tumango ako. After a while, umalis na rin si Yuri dahil dumating na ulit ang nag-aayos at tumutulong sa akin. Nakalugay lang ang buhok ko at kinulot ang dulo, making it look natural. Hindi rin gaanong makapal ang make up ko dahil ang sabi nila ay mas maganda raw sa akin kapag natural look lang.





Ang gown ko naman ngayon ay ang gown lang din na isinukat ko. Simple lang dahil hindi naman dapat na madisenyo dahil si Vian ang bida sa araw na ito. Light green ang kulay ng gown at off shoulder ang manggas. Ipinares nila ito sa isang silver na sapatos na regalo ni Red sa akin.






"Hello!" Habang tinitignan ko ang sarili sa salamin ay dumating si Shine. Napangiti ako sa kanya. Lumapit siya sa akin at yumakap. Hindi siya parte ng entourage pero naka-bistida rin siya ng kulay green, iba nga lang ang pagkaberde at hanggang tuhod lang ang damit niya.







"Ang ganda!" She chuckled, "Missed you, Risel."






"Ako rin. Kumusta ang trabaho mo?" Palagi kasi siyang may trabaho at hindi malapit sa siyudad namin. Mula noong nag-usap kami sa kaarawan ni Tain, sa pamamagitan ng cellphone ko na lang ulit siya nakakausap. Ayos na rin, dahil kasi doon ay hindi na ako masyadong naiilang sa kanya. Nakikilala ko siya unti-unti.






"Exhausting!" She said, "But it's my rest day so I don't really want to talk about it," Natawa siya nang kaunti, "Ang ganda mo, Risel!"






"Hindi naman..." Sagot ko. Nang makita ko ang box ng regalo ni Yuri ay kinuha ko iyon, "Pwede mo ba akong tulungan na ikabit ito?"





Binuksan ko ang kahon. Tinulungan ako ni Shine na ikabit sa damit ko ang brotse na ibinigay sa akin.

Gustong-gusto ko siya. Pakiramdam ko ay kinompleto ng aksesorya na ito ang buong ayos ko sa araw na ito. Kahit paano ay merong detalye na ang damit ko lang ang meron. Hindi ko kakalimutan na pasalamatan si Yuri mamaya.






Alas dos pa magsisimula ang wedding proper ngunit 12:30 pa lang ay kailangan na bumiyahe na kami mula sa hotel papunta sa simbahan na pinili ni Vian at Red.

Kanya-kanya ang punta ng mga bisita sa simbahan kaya ang kasabay ko ay si Mommy, Daddy at Bless. Hindi na namin kasabay si Red dahil iba ang sasakyan na maghahatid sa kanya papunta doon. Hindi siya pwedeng maghintay nang matagal dahil baka masyadong humulas ang ayos niya.







Bago kami umalis, dinaanan namin ang kwarto kung saan nananatili ang kapatid ko.

Mag-isa lang si Red sa kwarto habang tinitignan ang sarili sa salamin at hawak ang isang relo na dapat ay isuot niya. Si Mommy ang unang pumasok, kasunod ako at si Bless... tapos ay si Dad.







Mountains To CrossWhere stories live. Discover now