Chapter 25

20.8K 809 4.1K
                                    

Chapter 25





"Sabihin mo sa akin..." I told him.


Iniwan kami ni Daddy sa kwarto ko upang makapag-usap. Ngayon na maliwanag na ang lugar, kita ko ang itsura niya. Ibang-iba sa postura na lagi kong nakikita. Walang uniporme, walang pormal na damit. Isang jacket lang ang suot, itim na t-shirt, ball cap at maong pants.



"Sabihin mo sa akin lahat, Tain..." Sabi ko ulit.







"It is..." He sighed, "What it is..."







"Hindi iyon." Sagot ko, "Kung ano ang nangyari noon, kung sino ka sa buhay ko, kung bakit ako napadpad sa Camiguin, kung bakit nangyayari ang lahat ng ito."






"I cannot do that to you." He said, "Please don't do this."




"Kaya ko!" Sabi ko, "Kaya kitang pakinggan! Kailangan kong maalala! Kailangan kong maalala... Kailangan kong maintindihan..."






"Risela, you have a sensitive condition." He tried to explain, "Hindi ito pwede. This is not good for you."







"Kailangan kong maalala..." I whispered, looking around the room.

I went towards my photo albums. Inilabas ko ang lahat sa shelf, making a huge noise and impact on the floor.





"Risel, please..." Tain called.








"Kailangan kong maalala!" Hindi ko alam kung kanino ko iyon isinigaw, kay Tain ba o sa sarili ko. Kinuha ko ang mga photo albums at pilit na binuksan. Tuloy-tuloy ang luha ko.

Kailangan kong maalala. Kailangan ko siyang maalala.






He went to me. Umupo siya sa sahig at dahan-dahan na kinuha ang mga photo albums na nagkalat. I sobbed when he started fixing it properly again. He did everything quietly until he took the photo album I am holding. Marahan na hinawakan ni Tain ang kamay ko at isinara ang album.







"Huwag na..." Sabi niya, "Hmm?"




"Kailangan kong maalala..." I cried.





"And you will." Sabi niya, "In your own time and pace. You cannot force it. It will be very painful. Much more painful..."






"Tain..." I sobbed his name.






"I am okay," Sinungaling. Sinungaling siya. Kitang kita ko sa mga mata niya na nangsisinungaling siya at hindi siya maayos. Kita ko ang pagod sa kanya. Kita ko na nahihirapan siya.







Umiling ako.








"Ayaw maniwala ah?" He lightly chuckled, "I am really okay. I was named after mountain, all my life, I always feel like I was meant to survive and endure. That I am strong and capable... so I am okay..."








"Ayos lang kahit hindi ka malakas." Tinignan ko siya.







Unti-unting nawala ang naglalarong ngiti sa labi ni Tain. Naramdaman ko ang panghihina niya dahil kumalas ang pagkakahawak niya sa kamay ko. His eyes started to shine because of tears, again.








"Ayos lang umiyak," Sabi ko, "Ayos lang na aminin mo na nahihirapan at nasasaktan ka. Hindi naman iyon kabawasan sa pagkatao natin at lalong hindi kabawasan iyon sa iba."








Mountains To CrossWhere stories live. Discover now